Chapter 43 : Trophy

39 7 0
                                        

"Hello, Ms. Merida." Bati ng judge kay Florein. "How are you?"

"Is that your first question?" Natawa siya sa tanong.

Obviously.

Tawa din ang isinunod ng karamihan. "Yes, I'm doing good. Thank you."

"So, I want you to answer as fast as you can. We'll consider anything. Kung anong unang pumasok sa isip mo, iyon agad ang isasagot mo. Understand?" Nakangiti siyang tumango-tango dito.

Pinasadahan ko ng tingin si Mave na seryoso lang nanonood.

Nang makabaling siya sa akin ay kumunot ang noo niya at ngumuso. Para bang nagsasabi na wala naman siyang ginagawang masama.

Kunwaring pinanlakihan ko siya ng mata, agad siyang umiling.

Nakakatuwa itong lalaking ito, sa totoo lang. Parang kapag siya ang tumingin sa 'yo ay sinisisi ka agad.

"Okay. Do you believe in true love?"

"Yes."

"Would you consider yourself an extrovert or introvert?"

"Extrovert. I'm very friendly, actually."

Based on my calculations, 53.4% of your friends are so-called plastic.

"What is something you've have to unlearn?"

"Everything." Mabilis na sagot niya. "I want to forget everything and restart again."

"What is the biggest goal of your life?"

"I want to be a successful chef or cook someday."

Hm, okay na rin. Gusto ni Naya na magkaroon ng sariling bahay at umunlad ang sarili, pwede na siguro si Florein mamasukan d'un.

"How would you describe yourself in a sentence?"

"I'm Florein and no one can be me."

Patagal ng patagal ay lumalalim ang mga katangahan.

"When is a good time to keep a secret?"

"If you think, you can hurt someone, then it is."

"What is the reason of our fall?"

"It's a lesson. This is one of the most important yet the most common way to learn, failure."

Hinay-hinay sa grammar. Sa sobrang bilis mong sumagot dahil alam mo na itatanong sa 'yo, namamali ka na sa na-practice.

"What makes you angry about our country?"

"Poor and bad governance at the same time." Doon lang ako sumang-ayon.

"How would you treat people who can do nothing for you?"

"I treat them just like the way I treat those people who can do everything for me. You can't be selective because you are reading them, they're the author of their book." Ngumiti siya sa huling sinabi.

"And, if you're a book-- what would be your title?"

"Thy Rebellion One."

Nagpalakpakan ang mga nanonood sa sagot niya. Hindi ko namang maikakaila na may punto ang mga iyon. "Thank you, Ms. Merida. Good luck."

"Queen Florein!"

"Florein pa rin!"

"Go, Florein! Maraming sumusuporta sa 'yo dito."

Napangiwi ako.

Ang karamihan sa section ay natahimik sa sigaw ng mga kaklase ko. Limang contestants na lang ang hindi pa nabubunot, kasama si Naya.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon