"Friday na bukas, ano balak mo?"
"Matulog."
"Lagi naman."
"Inom na lang tayo."
"Hindi ako nagi-inom, Mave."
"Inom tayo, Yakult."
Sinamaan ko siya nang tingin matapos tumawa. Anong akala niya sa akin bata? Buti sana kung iced tea pa. "Minamaliit mo ba ako?" Parang sa tono ng pananalita nito napakabata ko.
"Maliit ka nama--"
"5'7? Maliit, ah?" Kinuha ko ang libro ko binabasa niya at hinampas sa kanya.
"Oo na. Kasi sina Joaquin nagy-yaya every Friday ng uwian, magi-inom."
Hm. "Sasama ka?"
"Hindi ko alam. Pwede ba ako doon?" Pagpapaalam niya.
"Pwede naman. Basta wala kayong kalokohang gagawin doon, okay lang sa'kin. Para maka-bond mo din mga friends mo."
"Yeah, that was a private night club. Puro inuman makikita mo." Paglilinaw niya na nagpanatag ng loob sa akin.
"Sure ka?" Kunwaring nagseselos na tanong ko. "Walang babae?"
"Me'ron." Napayuko siya. "Hindi naman ako mambabae. Pero, sige. H'wag na lang..."
Natawa ako. "Okay lang, sige. Pwede ka namang mag-inom pero bigyan mo ng limitasyon." Napangiti ako sa reaksyon niya. Tinapik ko ang balikat. "Mataas ba tolerance mo sa alcohol?"
"Sakto lang." Inosenteng sagot niya. "Si Tito nagturo sa akin kung paano mag-inom."
"Mapaka-ganda palang impluwensya ng Tiyuhin mo." Natawa ako sa sariling nasabi. "Oh, okay lang naman sa akin. H'wag ka lang magpapakalasing."
"Hm," ngumiti siya. "Pero, hindi ka talaga umiinom ng alcoholic beverages? Gan'un?"
"Hindi e, bawal kasi ako." Pagtatama ko na sinang-ayunan niya. "Pero me'ron kaming red wine sa bahay na binili ni Mama, minsan umiinom ako n'un."
Kailangan kasi ni Mama ng ga'nun, bukod sa diabetic siya ay talagang bawal siya sa kahit anong juice. Hindi naman sa ipinagbawal ng doktor pero siya na mismo ang nagbawal sa sarili niya.
"Red wine, ah." Muli na namang sumilay ang ngisi sa labi niya. "Maganda 'yun sa, hehe... puso."
"Tsk, tigil-tigilan mo 'yang pangangarap mo, Mave. Masyado pang maaga."
"3:12AM pa lang." Ginulo ko ang buhok niya. "Boring dito sa school. Saan mo gustong pumunta?"
"Wala tayong mapupuntahan na lugar sa ganitong oras." Pagtatama ko. Papasukin mo ba naman ako ng alas-3 ng madaling araw.
"Me'ron naman. May night market itong municipality natin, me'ron din sa Mayall, me'ron pa sa diyan sa katabi nating probinsya na ilang kembot lang. May mall na din na bukas, may mote--"
"Hindi mo hilig sa motel, 'no?" Ngumuso siya.
"Alam mo, ikaw pa lang ang unang babaeng dadalhin ko doon-- kung sakali." Laban niya. "Tara?"
"Magsisimba na lang ako."
"Huh? Wait. Punta muna tayo doon sa isa kong alam na pwede tapos tsaka tayo magsimba." Taka akong napatitig sa tanong niya.
"Magtiwala ka sa akin." Habol niya.
.
"Saan ba tayo pupunta, Mave?" Hindi ko maiwasang magtaka sa napagtantong lugar. "Ang dilim dito."
![](https://img.wattpad.com/cover/248135850-288-k804799.jpg)
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Ficção AdolescenteOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...