Chapter 12 : Early

47 7 0
                                    

3:45AM pa lang ay nagising na ako sa tunog ng alarm clock namin. Gusto kong makapasok ng maaga kahit na 8 pa ang time ko, wala rin naman kasing magagawa dito sa bahay.

"Ate..." Humawak si Levi sa kamay ko habang nagkukusot ng mata. Ang Kuya naman ay naghikab. "Punta na kami kina Lennybel."

"Ate Lennybel," pagtatama ko. Humingi sila ng paumanhin kaya nginitian ko na lang. "Sige na, gising na din 'yun."

"Oo nga po. Yinanaya na nga kami n'ung Mama niya, aga umalis Papa nila." Paliwanag ni Aien na galing kanina sa labas.

"Sige na, bye na." Nagiwan ako ng halik sa kanilang pisngi bago pa sila tumakbo dala ang iilang gamit. "Kain kayo, ah? Umuwi ng maaga pagkatapos mag-school!" Sigaw ko habang tanaw ang paglisan.

Nang maayos ang gamit ay sinara ko na ang pinto. Nadatnan ko na lang si Lennybel at ang Mama niya sa labas ng bahay. At ang magagaling kong kapatid, feel at home dahil nauna pang pumasok.

"Lennybel. Nasa 'yo pa ba iyong duplicate ng susi nitong bahay?" Ngumiti siya.

"Yes, yes. Minsan hinihiram nila Aien kasi bumabalik kapag umaga na." Pagsagot niya sa tanong ko. Si Tita Bell naman, bumalik na sa loob para laruin ang dalawa.

"Sige. Sorry, a--" Magsasalita pa sana ako ng putulin niya.

"Ano ka ba?" Pagputol niya at natawa. "Okay lang. Tuwang-tuwa nga si Mama at Papa, sayang lang ngayon wala si Papa dahil may emergency sa trabaho niya pero babalik din 'yun ng maaga."

"Alam mo, parang anak na rin nila 'yan sina Aien. Mas anak pa nga turing nila, tapos ako parang katulong lang, huhu. Tapos hinihilot ni Aien si Papa kaya tuwang-tuwa. Si Levi naman nagb-bilang ng paninda ni Mama at tumutulong pang magbenta dito, ang galing nga sa Math. Ang sarap magpaturo ng Calculus." Natatawang pagtatapos niya kaya napangiti ako.

"Salamat, mauna na ako. Isumbong mo na lang kapag magulo." Yumuko ako ng bahagya ang nag-abang ng jeep.

"Ang aga mo naman, hija?" Ngayon ko lang napagtanto kung sino ang driver. "Maaga klase ninyo?"

"Hindi po, Kuya." Dali-dali akong sumakay sa harapan, katabi niya para may makausap naman. "Maaga lang po talaga ako ngayon."

Kaibigan ito ni Mama. Ang sabi nga niya ay matandang binata daw siya.

"Hindi ba 8 ng umaga iyon?"

"Opo. Pero gusto ko lang pong magmuni-muni sa school," hehe.

"Mabuti na lang at private school iyang pinapasukan mo." Papapalagay niya. "Sa amin kasi dating sementeryo at simbahan. Naging ospital pa nga daw."

Bahagya akong natawa sa tinuran niya. "Iyon nga rin po sabi nila."

Hindi ko alam kung bakit ganiyan palagi ang paniniwala sa public school.

Masarap maglakad sa dilim lalo na kapag mag-isa ka lang. Maaga din ang guard ngayon kaya napapasok na ako, nagtataka na lang sila kung bakit daw maaga din ako. Ang sabi ay ako pa nga lang daw ang estudyante dito.

Gustong-gusto ko ang vibes ng school at location nito. Malaki ang kabuuan, tatlo ang minor building at isa ang main. Ang location nito ay parang sa gilid ng kagubatan, animo'y probinsya at kitang-kita ang bawat linyang binubuo ng bituin sa kalangitan.

Naupo ako sa isang bench sa first pathway katabi ng main field. Madaming bench doon na kahanay. Magkabilang side.

Ilang minuto pa akong nakatingala sa langit nang mapansing may kasama ako.

Mula sa maliwanag na bahagi ng bench, sa katapat na bahagi. Nakaupo ang isang pamilyar na lalaki na nakikinig ng music gamit ang earphones.

Malabo mata ko kaya niliitan ko para makita kung sino iyon, hindi ko mamukhaan.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon