Napailing siya sa kawalan habang nakatingin sa langit. "Books are better than black."
"Black?"
"Pink."
Napanguso ako. Seryoso ba siya?
"Boys thing. My friends often call it black because of our dark side." Ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'yan. "I'll do imagine rather than watching," pagtatapos niya at nagkibit-balikat pa.
Nanlaki ang mata ko nang mapunta sa bagay na 'yun.
"Gusto kong pumunta sa bahay mo ulit... mamaya."
"Bawal."
"At kailan pa ako naging bawal?"
"Wala si Mama mamaya, walang magpapahirap sa 'yo."
"Ang sama niyong mag-Ina sa 'kin." Pinigilan ko tawa ko. "Noong nakaraang araw, okay lang naman."
"Hindi ka marunong maghugas ng plato?" Tanong ko sa kanya nang mag-volunteer.
"Of course, marunong ako. Gusto mo pati 'yung malinis, hugasan ko?"
"Sige," kinuha ko lahat ng malinis na plato, pati na ang mga kutsara. Isasabay niya 'yun sa pinaghuhugasan ni Mama na mga platong ngayon ko lang nakitang nilabas niya.
"Ah, o-okay."
"Bakit?"
"Wala. Hehe..." Kunwari siyang natawa. "Alam mo kung me'ron pa kayong kahoy na sisibakin, baka pwede na ako?"
"Walang kahoy na sinisibak dito, high-tech kami."
"Futuristic." Sarksatikong aniya habang naghuhugas.
Maayos naman, inuna niya 'yung baso, kutsara, hindi lang talaga siya ganoon na marunong. Halatang naiilang dahil hindi sanay. Baka may dishwasher sa bahay.
"Alam mo, ang bango dito sa bahay niyo. Dito na ako titira."
"Talaga ba?"
"Oo, sabihin ko kay Mama."
"Mama?"
"Oo. Nanay mo."
"Ang kapal naman ng mukha mong agawan ako ng Ina--"
"Uy, hindi ah. Gusto mo ikaw na lang gawin k-- aray."
"Nagbibiro lang naman ako doon sa magsisibak ako ng kahoy at magi-igib ng tubig."
"Tapos?"
"Pinagawa ng Mama mo."
"A-ano?" Bakit hindi ko alam? "Anong pinagawa?"
"Ayun, dalawa..." Nag-mwestra pa siya sa daliri ng dalawa. "Pinagsibak ako ng kahoy, kasi daw gagamitin d'un sa bakery? 'Yung malaking oven... 'yong luma. Ano tawag d'un?"
"Pugon?" Baka-sakaling tanong ko na sinang-ayunan niya.
"Oo. Tapos pinag-ibig-- Pinag-- pinag-igib." Hirap na hirap siyang sambitin ang salitang iyon.

BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Novela JuvenilOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...