Chapter 1 : First Sight

153 9 1
                                    

"Makikiraan..."

Sunod-sunod, sarksatiko silang tumawa habang naglalakad ako. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila at nagpatuloy na lang pumunta sa last subject.

Ganiyan ang palaging naririnig ko. Sanay na naman ako, nginingitian ko lang sila kahit gan'un ang pakikitungo nila sa 'kin. Ilang taon ko na din itong tinitiis.

Tuwing pasukan ganiyan din sila. Recess, laging may nagtatapon ng pagkain ko or hindi kaya, may nagtatapon ng kung anong bagay para hindi ko makain. Sanay na ako, hindi ko na 'yun mababago sa kanila.

Mas lumalala ang sitwasyon tuwing uwian, madalas nila akong tinatapunan ng tubig, naglalagay sila sa timba tapos tinatapon nila sa 'kin. Nagsasayang lang sila. Ang daming tao ang nauuhaw sa mundo tapos sila sinasayang lang sa isang katulad ko?

Minsan ay gatas, talagang nakapaninibago sa katawan sa lagkit. Pero sa lagay ko, kinakailangan pa ng isang buwang trabaho makabili lang ng panggatas ng kapatid.

Hindi ako makalaban sa kanila dahil sa lagay ng buhay ko. Mahirap lang ako kung tutuusin kaysa sa kanila. Naging scholar lang naman ako kaya ako napunta sa prestihiyosong paaralan na ito.

Ano namang laban ko? Mahirap lang ako, mayaman sila. Hindi ko ikinakahiya ang pagiging gan'un ng buhay ko pero, hindi ko talaga guatong lumaban. Nag-aalala ako sa kahihinatnan sa oras na gumanti.

Kapag karapatan na ang pinag-uusapan, ang tingin nila sa sarili nila ay mataas, mas may karapatan dahil mas higit ang perang mayroon kaysa sa akin. Hindi pwedeng pantay-pantay na lang.

Nagsimula na ang klase ko. Sa lahat ng mag-aaral dito, mga dating kaklase at kasalukuyan lang ang napagkatitiwalaan ko. Dati rin nila akong binubully pero, nang maging kaklase nila ako ay nanghingi sila ng tawad dahil sa ginawa nila sa 'kin. Pinatawad ko naman sila agad dahil nakikita ko ang pagiging totoo.

Mabilis natapos ang discussion namin, mas madali lang kaysa sa inaasahan ko.

"Uuwi ka na?" Tanong ng isa kong kaklaseng lalaki.

Tumango lang ako kahit nakakahiya, hindi naman kami gan'un ka-close.

"Hatid na kita," kinuha niya ang bag niya at lumapit sa 'kin.

"'Wag na..." Pabulong na sabi ko sa kaniya. Baka may makarinig...

"No, it's okay. Baka kasi mamaya may nag-aabang sa 'yo d'yan sa labas."

Me'ron nga. Ayaw ko lang may madamay.

"May balak manligaw ang gago, oh." Nangunguna si Oliver sa kaguluhan.

Magsimula ang malalakas na tuksuhan dahil doon. Naghihiyawan ang mga kaklase ko at ang iba naman ay nangangantyaw.

"May pupuntahan pa kasi ako, siguro next time na lang." Nginitian ko na lang siya at nauna nang umalis.

Nakakahiya, araw-araw na lang siyang nagyayaya sa 'kin pero, palagi ko na lang tinatanggihan. Naiinis ako sa sarili ko, baka pati ang mga kaklase ko madamay pa.

Pinili kong dumaan sa likod ng school pababa. Baka sakaling wala sila.

"You're here!" Gilalas ng isang babae ang nagpatigil sa katawan ko.

Lumapit sa 'kin ang isang babae. At may binuhos siyang mainit-init na likido. Bahagyang napabaligwas ako dahil sa amoy.

Gasolina.

Napapikit ako sa init ng nararamdaman ko sa katawan ngayon. Pakiramdam ko ay sisilaban na lang nila ako bigla dito. Nanghihina na ang katawan ko. Namamanhid. Hindi makagalaw.

"Tell Lauren about this," hagip kong ngumisi ang babae sa akin bago nakangiwing umalis.

Kung ano-ano pang sumpa ang ibinubulong nila bago umalis. Isa iyon sa galit nila, nagkapalit kami ni Lauren ng section. Dati siyang nasa section Arithmetic.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon