Chapter 17 : Live

63 9 6
                                        

Unang nag-perform ang 3rd year representative ng section 11 to 15. Kinanta nila ang Evergreen ng Westlife. Ang galing.

"Sayang, isa lang."

"Wala na, either mababa ang grade nila or hindi sila mananalo sa price."

"Magaling naman. Malay natin."

Medyo dismayado ang mga sections na nir-represent nila. "Okay, let's move on to the second one."

Matagal pa ang Crossed Parallel, hintay pa.

"Inaantok na ako."

"Boyz II Men ang kanila. Maraming fans sa college."

"Oo nga, tingnan mo mga hype."

Ilang saglit na kinanta nila ang On Bended Knee at End of the Road. Ang confident ng vocalist nila, lahat kami nag-hype sa kanta dahil ang energy at vocal. Kilig na kilig ang college dahil fans sila.

"That was a good performance from Elves!" Pagc-cheer ni Sir. "Pwede na!"

Good lang, best ang kina Mave. Sigurado ako.

Madami ang nag-cheer at sumang-ayon. Si Oliver at Wren lang ang hindi.

"ChanBaek pa rin, mga tanga." Laban ni Wren kahit na hindi naman kasama ang EXO sa kakantahin. "ChanBaek lang!"

"Lol, overacting nga." Nakangising ani naman ni Oliver. "Marami lang talagang fan dito na kinilig sa kanya."

"Fan ka rin naman nila, 'di ba?" Tanong katabi ko.

"Hindi, aircon." Confident na dagdag niya. "Shuta, parang nasira reputasyon ng grupo sa pinaggagagawa niya. Hindi naman macho dancer si Nathan Morris."

Medyo hindi nag-hype ang mga tao nang mablanko ang grupong kakanta sana ng Backstreet boys song.

"Okay na 'yun."

"Mabuti nga iyon, para hindi na nasira ang image ng Backstreet boys dito." Reklamo pa ni Oliver.

"Siraulo," bulong ni Isabell'i mula sa likod ko.

Nakakatuwang medyo nagka-energy naman kami nang mag-perform ang nagp-portray ng A1. Everytime at Like A Rose ang kinanta.

"Ang ganda ng boses ng vocalist nila." Puri ni Wren.

"Mas maganda boses ni Mave." Seryosong sagot ulit ni Oliver. "Hindi inipit."

"Tinapay amp." Bulong ni Mikaila.

"Isa sa inaabangan ng lahat!" Nagsigawan ang karamihan sa dome. "Let's go for Lowery."

"NKOTB 'yung kanila."

"Wah!" Hindi na marinig ang kinanta nitong lalaki... hanggang sa matapos ito.

"Isa lang kinanta."

"Buti na nga 'yun. Sumakit tenga ko, slight."

"Isa pa!"

"Magaling naman... medyo."

"Tingnan mo, boy..." Ani Wren kay Oliver. "Isa lang kinanta niya pero 'yung sigawan ng tao ang lakas." Pagf-flex niya.

"Si Mave nga nasa backstage pa lang, nabingi ka na," nakangising sagot niya kaya napangiti ako.

Kaya niya talaga. Sa dami ba naman ng sumusuporta sa kanya.

"Sila Mave na susunod, 'di ba?"

"Oo."

Natawa si Sir sa pagsigaw namin. Lalo na dito sa likod, ang lakas. "Crossed Parallel!"

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon