Napanguso ako at dumiretso sa kusina nang mapansing gising na siya. Maya-maya pa ay bumalik ako na may dalang dalawang bagay.
"Mave!" Masiglang tawag ko sa kanya sa kwarto nang makaupo siya. Ngumiti ako.
Unti-unti niyang iminulat ang mata habang hawak ang ulo. Napatingala siya at tinitigan ako, mas lalong lumawak ngiti ko.
"OKAY KA NA?" Tanong ko.
Ilang segundo ang nakalipas bago siya tumango ng konti. "Nahihilo p-pa ako." Kasunod niyon ang paghikab.
"AH. PERO 'WAG MO SANANG MAMASAMAIN, HA?" Paninigurado ko agad. "NAALALA MO 'YUNG NANGYARI KAGABI?"
Inosente siyang tumingala sa kisame at nag-isip. Napatango siya pero pagtingin sa akin ay agarang nawala ang nasa isip.
"Uminom ako. Hehe."
"AH!" Hehe din. "ANO BANG ININOM MO?"
"It's just me? Or malakas talaga boses mo--?"
"SAGUTIN MO MUNA TANONG KO." Muli akong ngumiti at pinigilan ang pagsama ng paningin.
"Mga ano..." Nagbilang siya sa kamay. "Lima yata. Beer?"
"HMM." Tumango-tango ako. "SA 'YO LANG?"
Muli siyang napaisip bago tumango. "Opo, kasi whisky kanila parehas nina Joaquin at Ruben." Agaran niyang paliwanag.
"WALA KA NANG IBANG NAALALA?" Tanong ko ulit dahil baka sakaling matapos niyon ang bangungot niya.
"Hm, wala na." Muli ay inosente siyang umiling-iling.
Nanlaki ang mga mata niya nang biglang magtama ang tingin namin. Agad niyang tiningnan ang katawang nakabalot sa kumot.
"Huh!" Kinakabahan siyang napasinghap. "May nangyari sa atin?"
"SAKTO LANG."
"Hindi pa ako ready." Mangiyak-ngiyak na aniya.
ISA...
"Baka mabuntis ako..." Dagdag pa niya. "Bitch, I'm virgin."
DALAWA...
"Bilhan mo ako ng pregnancy test."
TATLO...
"Uy, anong nangyari sa 'tin?" Inosenteng tanong niya. "Hindi nga? Hindi naman ako nakahubad." Bulong sa sarili.
"UH, SIGE. SASABIHIN KO SA 'YO." Pagsang-ayon ko. "PERO, PAPIPILIIN MUNA KITA."
"Alin?"
"KALIWA O KANAN?"
Saglit siyang nag-isip at napanguso. "Haha, hmm. Kanan."
"SIGURADO KA?" Tanong ko ulit.
"Ay, hahaha. Sige kaliwa na lang." Nakangiti niyang sambit.
May dalawang bagay na hawak ang kamay ko sa likod. Isang dos por dos at isang kutsilyo kaya...
"Naya..." Saktong pag-angat ng bagay mula doon ay napaatras siya sa kama. "Siraulo, nababaliw ka na!"
Inangat ko lang ang kutsilyo hanggang bewang ko. Nakatutok sa kanya ang dulo. "Sino bang siraulo kahapon?" At muntik pang lagyan ng bata ang tiyan ko.
"Uy, ano 'yan? Ba't k-kutsilyo?" Nang mapansing wala na siyang maatrasan ay napalunok siya. "Na--"
"Sinabi kong 'wag kang maglalasing. Anong ginawa mo?" Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya kaya lalo siyang kinabahan.
"Ha? Sorry!" Nakangiting sigaw niya na akala ay iyon ang magpapatigil sa akin. "I love you! S-sorry..."
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
RomanceOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...
