Chapter 15 : Invitation

51 7 0
                                        

"Kailan ka papasok, Ate?"

"Itanong mo kung may balak pang pumasok..."

"Hindi ko alam," gusto ko na bukas para Lunes. Maayos na ako, hindi na rin na naman masakit ang ulo mo.

Ano bang nangyari dito, Mave? Imbes na magpasalamat ako sa 'yo dahil excuse ako, parang gusto pa kitang sabunutan sa sobrang tagal.

"Sa isang linggo pa naman, Ate, 'di ba?" Tanong ni Levi na nagsusulat.

"Ang tagal nga!" Ie-excuse lang kasi tatlong linggo pa. Kapag pumasok ako ng maaga, ako malalagot.

"Wala kang magawa, Ate?" Tanong ulit ni Aien.

"Obviously, wala."

"Ma-roller skate ka." Inosenteng aniya.

"Huwag na. Mukhang uulan ulit ngayon."

"Sige na. Kami na bahala dito, para 'di ka mabagot." Ipinagtulakan ako ni Levi at dala na ang roller skates ko.

"Sige na, Ate. Sa labas lang naman." Tumawa siya.

Wala akong nagawa kung hindi isuot na lang ang sapatos na iyon dahil gusto na akong palayasin ng mga kapatid ko dito.

"Ba-bye!"

"Ingat, Ate. Walang sasalo sa 'yo kapag nahulog ka."

"Bastos na bata." Siraulo, Levi.

Nang makalabas ay kaagad kong ibinalanse ang mga paa ko dahil medyo maluwag ang suot ko. Kaunting kembot lang, matatalisod ako dito.

Nang mapaandar ay kaagad naman naging komportable. Boring lang talaga.

"Naya, hello!" Kumaway ako sa mga bumabati sa akin.

Sandali ko lang silang tiningnan nang muntik na akong matisod. Tumabi muna ako sa isang gilid ng motorcycle repair shop. Sa buong Municipality ng Mihel ay ito lang ang repair shop ng mga sasakyan kaya dinadagsa.

Naupo ako sa tapat noon dahil may nakita akong mahabang upuan. "Paupo po ako," pagpapaalam ko.

"Oy! Si Naya pala ito." Bati ni Manong habang nagl-lista. Mga nasa mid-50's na siya kung susumahin ang mukha. "Hija..."

"Naya, mabuti at pinayagan ka ng Mama mo lumabas?" Tanong pa ni Kuya Rain at kumunot ang noo. "Ayos ka na ba?"

"Ah, opo. Lumabas lang po ako ng bahay kasi nababagot ako." Tumango silang pareho. "Si Mama, hindi niya po kasi alam."

"Ganoon ba? May boyfriend ka na ba?" Tanong ulit ni Manong kaya naiilang na lang akong ngumiti.

"Wala pa po," tumawa ako para maniwala sila.

Wala naman, 'di ba? Bakit ako kinakabahan? Bakit parang... mali ang sagot ko?

"Naku, Manong, inirereto ko nga ang anak ko diyan ngunit ayaw niya." Natatawang ani ni Kuya Rain na napakamot sa ulo.

"Bakit naman ayaw mo, hija?"

"Ayaw ko pa po. Aral daw po muna sabi ni Mama," sabi ko kahit ang Nanay ko pa mismo ang nagsasabing mag-boyfriend na ako.

"Naku, nagrereklamo nga Mama mo sa amin. Wala ka pa daw nobyo kaya nahihirapan siya." Natatawang ani ni Manong at umiling.

"Ilang taon ka na ba?"

"19 pa lang po."

"Pwede na. 18 nga lang ay legal nang tumanggap ng manliligaw."

"May gusto sa 'yo anak ko." Malakas na tumawa siya. Ngumiti lang ako bilang tugon.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon