Hindi ko alam kung tutuloy ba talaga ako sa sinasabi ni Isabell'i o hindi na. Baka kasi may klase pa, kung sinabi niyang kahit tingnan lang namin ay baka maka-istorbo pa rin.
Buti na lang kung totoong Han Jisung makikita ko. Kaya ngayon ay nauuna na silang maglakad kaysa sa akin, hindi naman nila napansing nagpahuli ako dahil sa pagaalangan.
Halos mapatili ako nang may yumakap at bumuhat sa akin mula sa likod papunta sa kung saan.
Narinig niya. Sa bagay, sa lakas ba naman ng boses ni Haree.
"M--"
"Joke lang 'yun. Mas mahal kita kaysa kay Jennie Kim. At kay Irene Bae." Naestatwa ako nang mahigpit siyang yumakap sa akin.
Wala talagang patawad ang kalandian.
"Wala naman akong sinab--"
"'Wag! 'Wag kang pupunta d'un. Sasapakin kita." Banta niya.
"Mave..."
"Mahal kita, Naya. Pakakasalan pa kita, aanakan pa kita, taena 'wag mo akong hiwalayan agad." Lalo niyang idinukdok ang ulo sa balikat ko.
"Mave..."
"Bakit?"
"'Wag ka diyan. Humahalik ka na e, pasimple ka--" Hindi niya ako pinansin.
"Galit ka ba?"
"Hindi naman."
"Ba't parang napilitan ka lang?"
"Depende."
"Tampo ako."
Hindi ako selosa pero-- "Pasuyo ka sa Jennie Kim mo."
Mas lalong humigpit ang yakap niya na pinagsisihan mo. Hindi ko din talaga alam kung bakit ako nagkaroon ng ganitong boyfriend.
"Joke lang. 'Wag kang pumunta d'un." Bawi niya ulit.
"Okay lang naman kung pumunta kami d'un, actually kaya ako pumayag dahil ic-check ko din kung legi--"
"Legit nga..." Natigilan ako. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap at ayaw ipakita ang mukha.
"Okay." Nakahinga siya nang maluwag. "Sige, pupunta na ak--"
"Isa, sasapakin kita."
"Bakit?" Pinigilan ko ang tawa at niyakap siya pabalik para tapikin sa likod. "Magpapa-autograph ako."
"Hindi." Pigil niya. "Ako na."
"Ayaw ko nga." Tanggi ko kaya doon siya tumingin sa akin. "Ikaw maga-autograph? E!"
"Ako na magpapa-autograph, doon sa totoong Han Jisung mo!" Singhal niya na lalo kong ikinatigil.
"Doon na lang tayo sa kamukha niya, baka sak--"
"Baka sakalin kita, gusto mo?" Umiling ako at ngumiti. "'Wag kang pupunta doon."
"Bakit bawal?"
"Alam mo bang matagal na 'yang naaamoy ni Joaquin? Syempre, mga naaamoy nang kaibigan ko puro katulad niya din. Hehe, ano? Pupunta ka pa?"
"Ako na bahala magpa-pirma sa Han Jisung mo. Just give me 3 days." Pagpapalagay niya.
"Hindi nga?"
"Oo nga! Para tumigil ka na diyan sa kaka-Jisung mo, pati si Taehyung nadama--"
"Yiiee! Selos ka?" Kung ano-ano nang nasasabi ko sa sobrang tuwa. Hindi ko alam kung totoo ba pinagsasabi nito.
Inirapan niya lang ako. "Yiie? Kanino?"
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
RomanceOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...
