"Nandiyan na siya."
"Tabi kayo."
"Kasama niya pala si Naya."
Ganito ang bungad sa akin ng mga estudyante matapos naming makaakyat ni Mave mula sa secret library niya. Konektado pala ang isa pang pinto doon isang abandonadong classroom sa 2nd year, doon kami lumabas.
Huwag lang daw ako mag-ingay para walang ibang makaalam.
"May sinabi sa akin si Iana..."
"Akala ko hindi sila papasok dalawa."
"Tingnan mo, Mave..." Ngumuso ako nang mabilis siyang lumaban.
"Wala naman akong pakialam sa kanila. Ano naman kung ma-issue tayong dalawa? Totoohanin nati--" may gana pa siyang tumawa nang mahina kong hampasin sa braso.
"Kinakabahan ako sa 'yo e." Tapat na sambit ko. "Alam mo naman kasing ma-issue sila, baka masira image mo dahil sa 'kin."
"Mauunang masira ang paaralang ito, bago ang imahe ko." Ngumisi siya.
Napatalon ako nang bigla siyang humarap sa akin, nauntog ako sa dibdib niya.
Tumingala ako nang bahagya at ganoon na lang ang bagal ng tibok ng puso ko, kasabay ng gulat nang hawakan niyang marahan ang mukha ko.
Hindi ako makagalaw ng maayos at naaayon, literal na naestatwa ako. Ang mga estudyante ay nagulat din at napalayo ng konti.
Ano bang ginagawa niya?
"Mave..." Sumeryoso ang mukha niya at lumihig ng konti.
Nanatili akong nakadilat sa unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin, nakayuko ng kaunti. Ilang sentimetro sa aktong paghalik niya, dahan-dahan siyang lumingon sa mga estudyante, ikinagulantang nila lalo.
Nanatili ang titig ko sa mata niya sa hindi malamang dahilan.
"Four," pagbibilang niya na ikinatakbo ng lahat.
Ilang sandali pa ng pagtitig ko sa kanya, ay humarap siya nang mapagtantong wala na ang lahat. Tila nagulat pa ako dahil doon.
"Tapos na." Nawawala ng bahagya ang mata niya kapag tumatawa.
"Hey, why?" Palabiro, palatawa, palangiti ngunit nananatiling seryoso sa mga bagay na dapat.
Natahimik ako...
"N-naya?" Matalino siya at mabuting tao.
Napakurap sa kawalan...
"Yah!" Mahilig magbasa ng libro, mapagbigay, equality advocate.
At tumitig sa kanya.
"T-tapos ka na?" Simpleng tanong ko sa kanya para hindi makahalata.
"Oo. Hahaha-- aray!" Sigaw niya nang suntukin ko sa braso. Medyo umawang ang labi niya dahil doon. "Nanununtok ka pal-- ah, Naya masakit!"
"Tapos ka na, ha?" Sarksatikong tanong ko at ini-ready ang sandals ko.
"Aray, 'wag iyan!" Sigaw niya nang tanggalin ko ang sandals ko, wala na akong pakialam kung madumihan itong medyas ko. "Masakit..."
"Kung ano-anong pinaggagagawa mo." Nang maaktuhan na tawa ang isusunod niya ay kaagad kong inunahan ng hampas sa braso.
Umaangal siya pero may kasunod na tawa kaya nakakairita. Tatakbo sana palayo nang unahan ko ng hawak sa polo niya. "Subukan mo umalis, punit ito!"
"Ayaw, bitaw na!"
"Anong klaseng trip 'yun, ah?!"
"Pasalamat ka malinis iyang sapatos mo, kung hindi itutuloy ko 'yung halik ko!"
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Ficção AdolescenteOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...