"Hi, friend!" Narinig ko ang sigaw nang papasok na ako.
"Magkaibigan ba tayo?"
"Oo." Nanlaki ang mata ko sa tugon niya, seryoso.
Ang lakas naman ng loob nitong makipag-kaibigan sa akin.
"Ang aga mo pumasok ngayon." Nakangiting aniya pa at sumabay maglakad sa akin. Gumilalas siya at patehong hinawakan ang mag-kabilang gilid ng backpack.
"Maaga t-talaga ako pumasok." Pagpapalagay ko.
Naalala ko iyong tinanong niya sa akin noong nakaraang araw.
"Hindi ko alam..." Ngumiwi siya at tumingin ng diretso sa hallway.
"Kailangan ba alam mo?" Diretsong tanong ko kaya nagtaka ang loko.
"Oo. Syempre, friend kita." Muli siyang gumilalas.
Nice, friend.
"Ganiyan ka b-ba makipag-kaibigan?" Napayuko ako nang seryoso siyang tumingin.
"Depende." Napakamot siya ng ulo at naglakad ng diretso. "Saan ba tayo pupunta?"
"Ha?" Taka siyang lumingon muli. "Hindi k-ko alam sa 'yo, ako didiretso sa may locker room."
Saglit na kumurap-kurap ang mata niya na parang napuwing lang.
"Ah. Oo, d'un din ako." Sinipa niya ng bahagya ang mga maliliit na bato sa hallway.
Hindi ako makapaniwala, nakipag-kaibigan siya sa akin. Ibig kong sabihin, ako, bakit nga ba ako pumayag?
"Number 1 locker mo, hindi ba?" Tumango ako at dumiretso ng biglang mayroong mapagtanto.
Paano niya nalaman?
"Paano mo n-nalaman?" Mabilis akong humarap sa kanya kaya gulat siyang natigil habang nakatitig sa akin.
"Ah. Nakita ko lang. Dito sa, bag mo." Itinuro niya ang bag ko kaya nilingon ko iyon. Ngayon ko lang napansin ang susi ng locker ko.
May kasama iyong keychain na panda bear at isang tsinelas na mayroong tatak na nostre monde.
"Oo, tama..." Wala sa sariling aniya pa. Kaming dalawa lang ang nasa locker room ngayon kaya rinig na rinig ko. "May 1 sa susi ng locker mo."
Napapahiya akong tumalikod sa kanya at tuluyang lumakad papunta sa locker. Bakit ko nga ba iniisip? Ano naman kung alam niya? Wala namang mali doon.
"Dito ako, oh. Number 31." Muli siyang gumilalas. "Kaya alam mo na kapag ililibre mo ako, dito mo lang ilalapag." Dagdag pa niya.
"Bakit naman kita ililibre?"
"Bakit? Hindi ka ba nanlilibre ng mga kaibigan mo?"
"Uh, k'onti lang ang kaibigan ko." Pero lahat totoo. "Katulad ng p-pera ko."
"Ako na lang manlilibre sa'yo," pagpapalagay niya at lumapit sa akin.
"Bakit naman?" Tinawanan ko siya para hindi nakakahiya. "Bakit mo naman ako ililibre?"
Tapos na niyang ayusin ang mga gamit kaya hinihintay niya ako. Mas lumapit siya sa akin at ganoon na lang ang naging espasyo ng puso ko nang lumihig siya patagilid sa kaliwang bahagi ng katawan niya, sa locker na katabi ko.
"Kasi gusto ko..."
Unti-unti akong tumalikod upang iwasan ang nagliliyab na titig niya. Pakiramdam ko masusunog ako anumang oras kapag dumiretso ako ng mga mata niya.
Mabilis na sumunod siya sa akin at gumilalas, maya-maya pang tumahimik na siya bigla.
"Tangina mo, Mave!"
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Novela JuvenilOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...