Chapter 32 : Shots

42 7 0
                                        

Warning— If you're not comfortable with those scenes below, please have an open mind and just skip until the next chapter. Read at your own risk.

.

"Sige na, bawal ka ba talaga?"

"Bawal."

"Bakit?"

"Hindi ako pwede, sa boyfriend ko nga hindi ako makasama."

"Niyaya ka na ni Mave doon?"

"Oo. Siya pa nga 'yung may gustong bantayan ko siya." Napanguso ako sa sariling argumento.

Bakit ko siya babantayan? Ano bang gagawin niya doon? Takot ba siya sa mga babae? O baka makipag-suntukan siya?

Napaawang ang labi ni Sha. "Sige, baka pwede ka naman sa karaoke bar?"

"Hmm, payag ako." Napa-yes silang lahat sa sagot ko.

Lahat sila ay niyayaya akong mag-night club. Ang sabi ko ay hindi ako pwede dahil nga bukod sa hindi ako nakapag-paalam kay Mama, wala akong gagawin doon at hindi ako nag-iinom.

Ang pangit naman siguro tingnan kung d'un ako gagawa ng activities ko para lang may magawa.

Silang tropa ay sanay na sa kaguluhan sa loob noon dahil parang naglalagi sila. Mga matataas ang alcohol tolerance niyan at pinapayagan ng magulang.

Pero, kung ako sumama diyan, baka maabutan ako ni Mama at paulanan ako ng sampal hanggang sa makatulog. Bawal na bawal talaga. Pina-iingat nga niya ang mattress ko. Isa pa si Mave, baka magsuntukan lang kami dahil doon.

Bahagya akong natawa sa sigawan nila. "Karaoke bar tayo mamaya!"

"Pwede ba magnakaw ng red lights doon?" Nakangising parang aso si Wren habang tumatalon.

"Gagi, 'wag kang maingay." Natawa si Oliver. "Secret lang."

"Why don't you go to my house, instead?" Natigilan silang tropa sa pagsasaya.

"May karaoke kayo?" Interesadong tingin ni Haree. Iyon talaga ang habol.

"Yeah." Nagkibit-balikat si Ryl. "I have my own karaoke room. Ginagamit dati nila Ruben."

Sa pagkakaalam ko ang karaoke bar ay purong kantahan lang ang ginagawa, walang inuman o kahit ano pa. Kaya pumayag ako ay para masubukan din na makasama sila, minsan ay nakakasawa ang mapag-isa na lang.

Tapos maraming pagkain.

"Game. Sa bahay ni Ryl, mamaya!" Sigaw nila.

"Arithmetic..." Mahinahong wika ni Ma'am mula sa labas. "Please, settle down first."

"Ano po me'ron, Ma'am?" Lumapit si Isabell'i kay Ma'am para lituhin siya.

Laking-pasalamat talaga nila Oliver at nakaayos sila bago makita ni Ma'am.

"Listahan ng mga Dean's Lister and running for Valedictorian." Kaagad nanlaki ang mga mata namin sa anunsyong iyon.

Ang swerte ng magiging Valedictorian at Dean's Lister.

"Mamaya, may ibibigay sa inyong letter-- sa mga Dean's Lister lang. Tatlo ang running for Valedictorian ng Arithmetic at apat ang maswerteng naging Dean's Lister." Paliwanag ni Ma'am.

"Ma'am, pare-parehas na tao?"

"Hmm, we'll see." Idinikit niya ang nag-iisang papel na hawak sa board. "Remember that Blister Academy is not just a school. It'll take several years bago ka mapasok sa dito. Sa Dean's Lister pa kaya? 1st semester pa lang ay nagtatalaga na ang paaralan kung sino-sino ang nagu-unahan sa pagiging Valedictorian."

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon