"Oh, ano ngayon?" Pormal na sambit noong Mave. Hindi interesado. "Anong ganap niya?"
Ano bang dapat kong sabihin? Extra lang po ako dito.
"You may start now..." Sarksatikong natawa si Mave. Kinakabahan man ay ngumisi si Selene bago gawin ang dapat.
"Isa siya sa mga kaibigan kong binu-bully--"
"I know," nagkatinginan kami.
"Patapusin mo ako dahil limitado lang ang oras, ngayon may plus 3 seconds ako sa explanation." Mabilis na sabi ni Selene.
"Look, Mave. Alam mo naman ang mga opisyales dito, gustong-gusto nila na may pinarurusahan. Ngayon, dapat naman parusahan ang mga estudyante na lumalabag sa batas ng paaralan." Bungad niya, seryoso naman iyong Mave na nakatingin sa akin.
Huwag ka sa akin tumingin, hindi ako 'yung nage-explain.
"Now, I think they're tolerating that kind of act. They, themselves, are not aware of this. They must solve the problem of this school. They should not incriminate those who opposes from what is in accordance with our law, the law they made. They are not different from the government before. Kahit ngayon patuloy pa ring nangyayari."
"I'm not speaking for her. Para sa buong school ito at sa pangkalahatan ng mag-aaral dito." Pagtatapos niya kaya napayuko ako.
Tama naman siya. Wala silang pinagkaiba sa mga nangaabuso sa kapangyarihan noon, ngayon ay patuloy pa ring nangyayari.
"I'm done..." Huminga ng malalim si Selene nang sambitin iyon.
"Wala ka nang idadagdag?" Tanong ni Mave na pinatigil ang timer.
"Bakit? May gusto ka pa bang idagdag ako? Dati gusto mong tapusin ko kaagad kapag nagsasalita, tapos ngay--" Naputol siya sa dire-diretsong sinabi.
"'Yang kasama mo, may gustong idagdag?" Napatingala ako at kagaya ng kaba ko kanina ay muli na naman iyong umariba. Tinaasan niya ako ng kilay.
Umiling lang ako. Wala po.
"Naya..." Simpleng sabi ni Selene. Tiningnan ko lang din siya at umiling.
Nakakatakot na magsalita ngayon. Hindi mo alam kung paano na ang mangyayari dahil kaagad nila iyong pupunahin.
"Salamat sa oras, Mave..."
"I'll think about that." Yumuko siya at inayos ang buhok na may pagka-natural brown. "May mga nauna pang reports sa akin at priority ko 'yun, sige na. Alis."
Nginiwian siya ni Selene bago umalis. Iniwan niya ako mag-isa dito.
Natataranta ako. Hindi ko alam kung susunod ako o mananatili dito sa harap nitong lalaki.
Parang may kung anong humila sa ulo ko at napalingon na lang sa kanya. Walang pagaalinlangan kung ano mang takot ang nasa akin kapag tumititig sa kanya.
Kinusot ko ang mga daliri ko sa dulo ng uniporme nang makitang napatingin din siya sa akin.
Simple at tipid siyang ngumiti ngunit kitang-kita mo ang pagiging totoo.
"Ay, Naya..." Mabilis na hinila ako ni Selene nang bumalik siya. Napasunod ako ngunit nananatili ang tingin sa kanya.
Ngumiti siya... Hindi ako makapaniwala. Akala ko kasi kanina, sinapian lang siya noong nakaraang araw.
"Ikaw, ha? Sabihin mo nga sa akin..." Pangr-real-talk ni Selene at pinaupo ulit ako. "Crush mo si Mave, 'no?" Napaawang ang labi ko.
Ayaw kong mamatay.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi nga kami magkakilala." Lahat na lang galaw kailangan may malisya?
"Ba't nagpa-iwan ka doon?"

BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Novela JuvenilOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...