Chapter 49 : Painful

130 7 0
                                    

Pagod na akong makipag-bardagulan sa mga hindi ko ka-mindset. Hindi magandang tingnan sa kahit anong anggulo kung marunong ako, tapos sila bobo.

Parang iiyak agad sila.

"Matapang ka lang naman kasi boyfriend mo si Mave! Feeling superior--"

"Tanga, hindi na kami." Pilit kong tinanggal ang kamay niya. "Alisin mo nga iyang kamay mo, nadudumihan ako. Kaliligo ko lang."

Papasok pa lang ako pero, may bumungad na agad sa akin na gulo. Unang araw ngayon sa 5th Year na ipinalit nila, bonus High School year.

Ang tagal ko nang nananahimik pero, lapit sila ng lapit sa akin. Mas naging mainisin ako, madalas. Hindi katulad ng dati na ako ang nang-iinis, kung bakit hindi ko ba naman sila sagutin para matahimik.

Nakakunot ang noo ko nang maitulak siya, napaupo. Wala na akong pakialam dito, sila na ang kusang nagtutungo para lang tanggalin ako. Hindi na ako takot matanggalan ng scholarship.

Nakalimot na yata sila na minsan na akong naging salbahe?

Hanggang sa makarating sa room ay ganoon ang reaksyon ko. Tila ba naiinis pa rin ako sa mga estudyanteng ganoon at hindi maganda ang araw ko.

Mabilis na tumahimik sila nang makapasok ako sa room, halata mo ang kaninang masaya ay bigla na lang nagbago ang itsura. Padabog kong ibinato ang bag sa upuan ko bago pa man tuluyang makaupo.

Bumuntong-hininga ako para makakalma. Hindi pa rin kinakaya ng konsiyensya ko ang lumaban sa pananakit nila, may takot pa rin ang puso ko sa kung anong posibilidad ang mangyari. Tila ba mas sasama pa iyon.

Kung hindi lang sabihin ni Mama ay hindi ko gagawin, takot na takot ako para sa kalalabasan niyon. Maaaring makaapekto sa hinaharap ko, tulad ng ginagawa nila. Sadyang ngayon ay nananadya na lang sila para pilitin akong lumaban.

Tanging naririnig ko lamang ay ang katahimikan na namumutawi sa loob ng silid-aralang ito. Simula noong dumating ako ay naging malungkot na sila. Napayuko ako.

Anong nangyari? Bakit sila gan'un?

Baka may problema rin sila. Tulad noon, hindi nila sinasabi sa akin kaya sinasarili nila. Para namang hindi ako parte ng section na ito.

Maya-mayang binasag ni Oliver ang katahimikan habang patuloy na nagsusulat.

"5th Year na't lahat. Taena, 'yung pinapasulat mas mahaba pa sa buhay ko." Reklamo niya.

Natawa ang lahat sa sinabi niya. Pati ako ay hindi na napigilan. Saglit silang natigilan at nabaling sa akin. Gulat akong natigil rin sa pagtawa pero hindi ko ipinahalata.

"B-bakit?" Anong nangyari? "Para kayong timang." Wika ko at muling natawa.

"Naya..."

"Mahal k-ka namin."

"Ikaw ba 'yan?"

Nagugulumihanan man ay napatango ako. "Ano bang sinasabi niyo?"

"Akala namin nagbago ka na." Kunwaring umiiyak na utas ni Wren. "Naya..."

"Ha?" Ano daw? "Bakit magbabago? Hindi ko kayo m-maintindihan."

"Akala namin, nagbago ka na." Pumikit siya na tila talaga umiiyak, hindi ko lang masabi pero, mukha siyang tanga sa pinaggagagawa niya. "Akala namin makakalimutan mo nang maging mabait..."

Napanganga ako.

"Oo nga."

"Tama si Wren."

Mas lalo akong natawa sa pinagsasasabi nila. "Ano? Bakit naman ako magbabago? Dahil ba ngayon niyo lang ako nakitang lumaban?"

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon