My Next Dimension

129 9 3
                                    

Nagawa ko. Nagawa kong maghintay sa muling pagbabalik niya dito, kita ko ang dahan-dahan na pagbubukas ng pinto.

Dala ang isang matalim na kusilyo at isang mahabang tela, maingat siyang lumuhod sa harapan ko. Bahagya niyang inangat ang aking paang magkadikit sa isa't isa at tsaka marahang hiniwa ang pagkakatali niyon.

Wari ko'y nakahinga na nang maluwag ang aking binti. Sinunod niya ang kamay ko, hindi siya umalis sa aking harapan. Nagawa niyang dumungaw mula doon patungo sa likod para alisin din ang higpit.

Agad kong pinagmasdan ang kamay. Mapupula ang bakas ng tali doon, sa tagal ko ba namang nasa ganitong posisyon ay tila naipit ang dugo.

"Can you walk?" Inalalayan niya akong tumayo, mabilis na pinagsisihan ko iyon nang kusang mahulo ang tuhod.

Inutusan niya akong umupo. Habang tinatalian ang paanan kong may bahid din ng tali ay hindi ko maiwasang mapatingin sa buhok niya.

Maingat kong tinanggal ang ilang dumi doon, kita dahil sa liwanag. Napansin ko ang paghinto niya sa pagtatali, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin kaya nagtama ang paningin namin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Maya-maya pa ay inayos niya ang paanan ko upang tulungang makatayo. Ikinawit niya ang kaliwang kamay ko sa balikat niya habang ang kaniyang kanang kamay ay nasa baywang ko. Kahit nahihirapan ay pilit akong naglakad, masaya ako na hindi ito tulad kanina na namamanhid.

"Sa kabila tayo dadaan..." Itinuro niya ang isang lugar. "Dito kami dati nanghuhuli, lugar ito ng mismong sindikato."

"Iyon bang Tito mo na iyon ang... tinutukoy mo na nagtayo ng sindikato?"

Umiling siya. "Hindi. Si Tito Lorde iyong nagtayo. Siya 'yung nagpunta sa dorm, kung naaalala mo."

Napakurap-kurap ako habang patuloy na naglalakad. Hindi halata, napakabait niyang tingnan at mahinahon kung kausapin.

"'Yung kasama sa dumukot sa 'yo at kumausap, hindi ko siya tunay na Tito. Adopted child sa Father side ko, Tirso Perisiaño." Inayos niya ang likuran ng palda ko na tinatangay ng malakas na hangin.

"Sobrang close sila ng Papa ko dati, kaya gan'un na lang ang galit niya n'ung nalaman niya na ang girlfriend kita..." Napayuko ako.

Simula pa lang talaga ayaw na ng pamilya niya sa akin, dahil hindi ako nababagay sa lebel ng kanilang pamumuhay. Marahil ay nadagdagan pa ang galit sa akin noong malaman nilang ang pumatay sa kanilang kaanak ay ang Tatay ko.

Isa akong Contregiao, nagawa nilang mapatay ang Ama ko ngunit, hindi pa sapat iyon para sa kaparusahan nila. Kung ito man ay tungkol sa pilit na paraan upang paghiwalayin kaming dalawa, sobra na.

"Maaari ba tayong magpahinga muna?" Pagod na ako.

Muling nangusap ang mga mata niya bago makatitig sa akin, sandali siyang tumango at pinaupo ako sa gilid.

Damang-dama ng aking katawan ang hangin na pasalubong sa akin, napakalamig niyon. Huminto kami sa tapat ng isa pang abandonadong distrito ng Mayall.

Kitang-kita ang mga nagliliwanag na bituin, minsan ko lamang ito masaksihan. Tila ba nagsanib-pwersa ang dalawang magkaibang mundo upang mangyari ito.

"Do you believe in parallel universe?" Tanong niya. "Naalala ko pa noon, sinabi mo sa akin..."

"Ano?" Hindi ko na matandaan.

"You said that we're living in a parallel universe. I'm parallel to you, and you're parallel to me. We are completely different." Agad na nabaling ako sa kanya, nakangiti siya sa langit.

"And now we're. Malayo na ako sa 'yo, hindi ko na magagawa lahat ng gusto ko." Agaran siyang napayuko. "You're the farthest universe I've ever know."

"If you believe, I will live..." Muling sumilay ang ngiti sa mata. "Now, do you believe that I'm living with you? Or in a universe next to you?"

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon