"You're early..." Gilalas ni Mave nang tumabi sa akin.
"Nak-konsiyensya kasi ako."
"Why?"
"Feeling ko kasi mapaparusahan ako ng kung ano kapag hindi ako pumunta dito..." Natahimik siya. "At t-tsaka, magpapakita ka sa bangungot ko kapag hindi ako pumasok ng ganito kaaga," sumimangot si Mave na ikinangisi ko.
Pikunin.
"Hindi bangungot 'yun," mabilis na laban niya bago mahina pang hinampas ang braso ko. "Dream come true tawag d'un."
"Pfft!"
"Bakit?"
"Hindi naman kita pangarap."
Bumigat ang paghinga niya at sumeryoso. "Sana sa susunod na mga araw, mabusog ka kapag kinain mo na ang sinabi mo..."
"Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magsisisi kapag nangyari iyon." Laban ko.
Sumabay siya ng pagtawa sa akin ngunit, natigilan kaagad.
"Anong ibig m-mong sabihin?" Umiwas ako ng tingin dahil ako ang nahihiya.
Isipin mo pa ng konti...
Ilang sandali pa bago niya ako sandalan sa balikat. Isinampa niya ang mga paa sa bench na kinauupuan namin at inilagay sa dulo. K'onti na lang ay hihiga na siya sa hita ko kung hindi lang nakapatong ang sariling ulo sa aking balikat.
"Ano b-ba, Mave, umayos ka," bahagya ko siyang kinalabit para patayuin ngunit hindi siya nagpatinag.
Inayos niya ang isinuot na salamin. "Magbabasa ako," aniya bago binuksan ang librong hawak.
"Pocketbook ba talaga ang binabasa mo?"
"Oo."
"Bakit ayaw mo sa study book?"
"Nakakasawa kasi," reklamo niya at bumuntong-hininga. "Sa bahay ako nagbabasa ng study books, if I have enough time."
"Dapat nagbabasa ka pa rin ngayon..." Pangaral ko sa kanya dahil baka kung ano-ano na lang binabasa nito diyan sa pocketbook at natututunan.
"Hm, later." Kitang-kita ko ang paghikab niya kahit hindi ako maayos na makatingin sa pwesto niya. "Just because of that, napagkamalan na pa akong International Criminal Lawyer."
Napanganga ako. "Napagkamalan ka na?"
"Yeah, muntik pa nga akong makasuhan ng ICC dahil doon."
"Ano nangyari?"
"You know, I'm just reading some books about unsolved cases. Wala naman akong balak mag-abugado dahil tinatamad ako... Akala nila ako 'yung lawyer na nag-handle ng isang case from Europe-- hindi ko na matandaan 'yung country, because it's not familiar."
"Tapos?"
"Akala nila itinakas ko 'yung mapaparusahan ng death penalty sa kanila, ang sabi-sabi kasi ay nagtatago daw sa Pilipinas kaya gan'un."
"May proweba ba sila na ikaw?"
"Me'ron nga," marahas siyang napakamot sa ulo. "I posted something about that case, somewhere." Lalong nagulo ang isip ko. "They found out na ako daw 'yung lawyer... Syempre, nag-travel pa sila sa Philippines para lang makita ako," pagyayabang niya. "Kaso, wala dito iyong hinahanap nila."
"Kinabahan nga ako. I was just 16 that time, hindi ko na alam sa mga kamag-anak ko kung anong pinaggagagawa. Bata pa ako..." Natawa siya.
"Oh, sige. Basa ka na lang." Umiwas ako nang tingin pero kinalaunan ay nakibasa din.
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
RomanceOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...
