Chapter 21 : Court

34 7 0
                                    

Nauna akong sumuko tulad ng inaasahan. Masyadong mahina ang loob ko para dito.

"Bitawan mo na ako."

Natawa siya. "No, why would I?"

"Susunod na nga ako sa 'yo, okay?" Napapikit ako. "Hindi na ako uuwi muna katulad ng sinasabi mo, babalik na ako doon."

"I don't know what are you trying to say." Pag-iwas niya sa tanong ko. "Bakit pa ba kita pakakawalan? Nandito ka na."

"T-tapos ka na sa banat mo?" Akala niya ako lang ang mayroong kakayahang umiwas. "Aray-- 'wag kang mamalo sa kamay!"

"Come on... Baka umiiyak na bunso mo doon."

"Kung makapag-salita ka akala mo anak mo iyo-- ahh, oo na!" Marahas niyang hinila ang kamay ko pabalik doon.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapaisip na lang. Sipain ko kaya gitna ng hita nito tapos tumakbo ako?

'Wag, mali. Kawawa magiging anak niyan.

Sabunutan ko na lang? Tutal ayaw pa naman niyang magpagupit.

Huwag. Masyadong harsh sa kanya, malay mo naman bukas-makalawa ayusin niya na sarili niya. Natigil ako nang inis siyang bumaling sa akin. Hawak-hawak niya ang kamay ko ngunit nasa likod naman ako banda.

"'Wag mo nga akong pagpantasyahan," seryosong aniya.

Ang kapal ng mukha mo. "Huwag kang mag-alala, hindi ikaw 'yung klase ng lalaking pantasya ko, 'no?" Pang-aasar ko.

Mapikon ka. Dali, sana mapikon.

"Huh!" Sarksatiko siyang tumawa. "So, you're saying to me that your kind of fantasy is... Ryl?" Inis na baling niya ulit.

"Hindi naman sa gan'un." Nakita kong natigilan siya. Napataas ako ng kilay. "Pero, parang ga'nun na nga."

"What?!"

"Hello, 3 years ko nang crush si Ry--"

"I didn't ask you."

"I don't like you." Mangiyak-ngiyak siyang bumaling sa daan kaya napangiti ako.

Susupalpalin kita ng katotohanan.

"Maupo ka diyan." Utos niya kaya napanguso ako nang sumunod.

"Ate, galit ka pa?" Kunwaring nag-iwas ako ng tingin nang biglang pumunta si Aien sa harap mo. Sinisimot na lang ang kinakaing ice cream.

"Oo, kaya umalis ka sa harap ko." Pagt-taray ko na ikinabuo ulit ng luha sa mga mata niya.

"Maniwala ka diyan kay Ate." Nginiwian ko ang Kuya niyang gumagawa na ng assignment dito sa labas. "Marupok 'ya-- ah! Hihi."

Masyado kang nagr-reveal ng pagkatao ko. Hindi ako marupok! Naka-stick lang talaga ako sa iisang bagay. Kahit anong mangyari, iyon at iyon lang.

"Listen." May awtoridad na ani ni Mave bago umupo sa tabi ni Aien. "Ano nga ulit 'yung kini-kwento mo sa 'kin, tungkol sa Ate mo?"

Nakakatuwang may pangisi-ngisi pa siyang nalalaman habang nagtatanong dito. Itinaas ko ang kilay nang bumaling sa kapatid ko.

"Ah, opo..." Inosente siyang tumango at kinagat ang cone. "Lagi niya nihihiram selpon ni Mama, tapos kita ko n'ung isang araw, ngiti-ngiti siya."

"Tapos?" Napangisi ako dahil alam na ang susunod.

"Numingiti siya. Nitatanong ko siya bakit gan'un tapos 'yun." Tumaas ang kilay ni Mave. "Sabi niya ka-usap niya daw si Kuya Ryl."

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon