Chapter 13 : Sob

52 7 0
                                        

"Nakita ko talaga noong mga nakaraang linggo."

"Ako rin, pero hindi pa sigurado."

"Maaga na daw talaga pumapasok si Mave."

"Ang sabi ng mga teachers, late siya lagi." Napalingon ako kay Isabell'i na nagtataka, pati si Oliver na katabi niya ay naki-usyoso. "Iniintindi na lang nila dahil sa lagay ng buhay." Tumaas-baba ang kilay niya na parang malungkot.

"Pero ngayon, kataka-taka daw na nauuna pa." Halatang-halata naman ang pagtataka sa mga mata niya. Lumingon ako sa harap at ngumuso.

Wala akong malay kung anong issue na naman ang kumakalat. Simula noong nakaraang mga buwan na nagka-usap kami ng maaga, may kumakalat na na ganiyang tsismis.

Nililimitahan ko na lang naman ang pagpasok ko ng 3AM dahil sinisigurado kong maayos ang mga kapatid ko. Lagi ko naman siyang nakikita ng maaga sa school, kinakausap ako ng random things, kahit anong topic ipinapasok niya may maidaldal lang.

Ang kulit. Sobra! Pero hindi ko sigurado kung araw-araw nga siyang pumapasok ng maaga kagaya noong sinasabi nila.

"May isa daw na estudyanteng napansin 'yun," kwento pa ni Oliver sa likod ko, kausap niya ang katabi.

"Noong nakita daw iyong araw-araw na routine na 'yun." Sigaw niya pa na ikinatigil ng lahat. Nagsimula na silang makinig kay Oliver. "Sinusundan nila."

"Totoo?" Rinig kong tanong ni Isabell'i. "Para namang nakaka-invade ng privacy iyon."

"Tapos nakita niya daw si Mave lagi, parang may hinihintay..."

Ang sarap maki-usyoso pero hahayaan ko na lang muna sila.

"Ikaw lang naman hinihintay ko lagi." Napatulala ako sa kawalan. Iyan ang lagi niyang sinasabi kapag nakaka-usap ko sa oras ng ika-tatlo sa madaling araw.

"Minsan daw wala silang nakikita na dumadating kaya nililibang na lang ni Mave 'yung sarili niya..." Ngayo'y medyo nanghihinayang na ang tono niya.

Nakokonsiyensya ako dito. Parang obligasyon ko nang pumasok ng maaga para may makausap siya.

"Pero madalas daw, alam niyo ba na babae ang dumadating?" Dagdag niya pa kaya napailing ako.

Ang dami ko nang issue, buti sana kung plus grade. Sana dinagdagan ko pa. Malakas hatak sa Performance Task.

"Totoo?"

"Ito, may pruweba ako..." Napatingala kaming lahat nang makitang bumukas ang TV, nakakonekta ang cellphone niya.

Napapikit ako at muling na lang nagsulat na parang walang nakita. Ako nga iyon. Madilim ang litrato dahil maaga pa nga lang ngunit malinaw ang bawat detalye. Sa likuran namin banda kinuhanan ang picture, kaya likod lang namin ang kita. Mukha iyon iyong nagkita kami n'ung nakaraang linggo.

"Ayan daw. Pinasa sa akin ni Investigator num-- aray." Mukhang nasapok na naman siya ni Haree sa kalokohan.

"Seryoso kasi."

"Totoo nga, madami na silang nakakakita. Kausap daw ni Mave lagi, tumatawa pa nga daw. Parang ibang tao." Kwento niya pa.

"Hindi naman ibang tao si Mave," paglilinaw ni Sha na nagwawalis. "Sadyang nagbago lang siya kaya nag-iba din pakikitungo sa nakakasalamuha."

"Hindi kaya girlfriend niya 'yan?"

"Wala siyang girlfriend..."

"Paano mo nasabi?" Laban ni Oliver kay Ryl.

"Wala rin kasing boyfriend 'yung babaeng kausap niya." He glanced at me.

Napaawang ang labi ko. Tama naman siya.

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon