"Ang aga mo ngayon, Ms. Contregiao."
Napatingala ako at naisara agad ang librong binabasa nang may marinig na boses sa harapan.
"Uh... Okay lang po, Sir." Luminga-linga ako sa buong classroom at napayuko na lang nang makitang ako lang pala ang estudyante dito.
"Okay, sige. I'll stay here na lang. Baka pag-umalis ako, madumi na uniform mo." Bahagya siyang natawa sa sinabi.
Tumango na lang ako at tumikhim bago muling nagbasa. Inayos ko ang mga gamit ko nang matapos kong basahin ang huling page.
Maraming teacher ang nakakaalam nito, ng lahat ng nangyayari sa akin sa loob ng school. Ngunit ni isa sa kanila, walang tumulong sa akin o nagsumbong man lang sa opisyal kahit papaano. Naiintindihan ko naman na hindi lang sa akin umiikot ang mundo nila.
Baka natatakot din sa kahihinatnan ng lahat. Alam nila kung gaano kasama ang paaralan.
"Oh!" Biglang sabi ni Sir kaya napalingon ako. Nagl-lipstick pa siya at tila nagulat nang makita kung sino ang nasa pinto. "Mr. Perisiaño?"
Napanguso ako nang sumilip din sa main entrance ng classroom. Nakita ko hindi kalayuan ang isang lalaking nagtatago sa labas, hindi masyadong pamilyar sa akin dahil malabo ang mata ko.
Niliitan ko ang mga mata at laking gulat nang mapagtanto kung sino siya.
"Mr. Perisiaño?" Pag-uulit ni Sir at itinago ang lipstick. Sandali niya pang dinampi-dampi ang daliri sa kamay niya bago umayos ng upo.
"S-sir," rinig kong sambit noong lalaki.
"Mr. Perisiaño. Kanina ka pa nakatayo diyan, may hinahanap ka ba?" Kita ko ang paglingon ni Sir sa akin.
Natulala ako at wala sa sariling nagkibit-balikat na lang. Wala po akong alam diyan.
"Sir, hehe..." Dire-diretsong pumasok ang lalaki sa classroom kaya ako napaiwas ng tingin.
Mabilis na kinuha ko ang Math 4 book ko. Bahagya ko silang sinilip sa gilid ng mata ko. Iyong lalaki ay nakatayo at parang may ibinigay na folder.
"Ayan na po, Sir. Reports sa lahat."
"Kasama ba dito 'yung report sa guidance? Nang dahil sa 'yo?"
"Hindi p-po," napatingala ako nang makitang napakamot siya sa ulo.
Sabay pang nagtama ang paningin namin dahil sandali na lumingon siya. Mabilis na nagiwas din ako ng tingin para hindi makita ang mga mata niyang nawawala kapag ngumingiti at tumatawa.
Hindi ko naman siya close friend. Ayaw ko ding makipag-kaibigan dahil wala akong balak dagdagan ang mga peke sa mundo. Iilan na nga lang ang totoo.
"Bakit hindi mo sinama?" Sa tono ng pananalita ni Sir ay parang naiinis. "Do you want me to take that case to your Lola and Lolo?"
"No. Sir..." Agap niya. "Uh, sige. Isusunod ko na lang po mamaya."
"Siguraduhin mo, ah?" Pagtataray pa niya.
Hindi ako makapag-focus sa pagbabasa, ngayon lang ako nagulo.
"Okay na," pagpapalagay ni Sir kaya napabuntong-hininga ako.
Ako rin po, okay na.
"Pwede ka nang umalis." Dagdag pa niya.
"..."
"Mr. Perisiaño..."
"..."
"Mave!" Sigaw ni Sir kaya nagulat din ako. Hindi ko naiwasan tuloy ang pagtingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
RomantikOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...
