Minsan ay nakakapagod mag-aral kapag maraming iniisip. Hindi naman dapat masama ang relasyon namin dito ngunit, unti-unti nang nakakaapekto.
Ngayon ay hindi na ako naniniwala sa kanya na kaya niyang ayusin ang problemang dinadala. Hindi siya nagsasabi.
Nitong mga nakaraang buwan ay palagi ko siyang kinakausap. Tinatanong ko naman siya kung ayos lang ngunit, parehas lang ang nakukuha kong sagot.
"Yes," aniya sa malamig na tono.
Porke't nalalapit na naman ang September ay nanlalamig itong paa ko, minsan dahil din sa kanya. Hindi ko naman hinahayaan lang ang relasyon namin. Hindi naman siya nag-iba ng ugali, sadyang lumamig lang.
Tinigilan ko na lang ang pagtatanong ko isang araw dahil wala naman talaga siya balak sabihin sa akin. Naiisip ko na baka nakukulitan din siya sa akin.
Narito kami ngayon nina Isabell'i sa Guidance para i-approve ang request sa theatre. Ilang buwan niyang pinag-isipan kung tatanggapin. Nagdalawang-isip noong nakita niya rin ang pangalan ng dating fling.
"Nakakainis naman e." Asar na bulong niya habang nakapila kami. "Nanunumbalik ang mga alaala namin dalawa."
Nakuha naman ng atensyon ko ang nakangiwing si Haree. "Cringe?"
Umiling-iling si Isabell'i na halatang nandidiri sa naalala. Wala akong kalandian dati e, hindi ko sinasagot lahat ng message nila sa akin. Ang pangit ng trip nila sa totoo lang.
Hinintay namin ang oras para sa pag-approve. Tinaasan ng Guidance Councilor ng kilay si Isabell'i.
"Theatre?" Tumango-tango lang siya sa kaba. "Okay, just wait. Bibigyan ka namin ng update."
Nakahinga kaming tatlo nang maluwag. Sinenyasan niya kami na lumayas na.
"Sandali," aniya na nagpatigil sa amin. "Ms. Contregiao?"
Awtomatikong nabaling ako ng tawagin. Tumayo siya sandali at mayroong kinuha sa drawer sa bandang likuran niya.
"Ano po ito?" Magalang na tanong ko.
May record ako? May nagsumbong? Baka matanggalan ako ng scholarship.
"Invitation." Naikurap-kurap ko ang mata sa sinabi niya.
"Po?"
"Invitation for Ms. Blistransia pageant." Simpleng sagot niya.
Nag-simula nang magbulungan ang mga estudyanteng nakapila dito. Pati ang ilang guro ay napatingin sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nila. "You're a Dean's Lister, matalino ka. Sumali ka diyan."
"Uh..." Niyuko ko ang invitation. "Ma'am, sorry po per--"
"Ma'am!" Putol ni Isabell'i at tinapik ako sa likod. "Makakaasa po kayo, gagalingan po ni Naya."
"Teka, ano--"
"Oo nga po, Ma'am! Kami na po bahala sa kanya, salamat." Muntikan na akong madapa sa pagkakahila ni Haree sa akin palabas.
"Teka, hindi ako sasali..." Paglilinaw ko.
"Bakit?" Tanong ni Isabell'i. Kumapit siya sa braso ko. "Sumali ka! Ang ganda-ganda mo e."
"Ayaw ko." Hindi ako nagsusuot ng gown, hindi ako sanay humarap sa napakaraming tao, hindi ako marunong mag-model. Hindi ako pasado.
"Sige na, kami bahala sa 'yo!" Pagpapalagay niya pa. "Ako sa make-up."
"Ako na bahala sa design ng gown." Boluntaryo din ni Haree.
Hindi ko magawang tumanggi sa kanila ngunit ayaw ko talaga. Baka mamaya may magbato ng kung ano-ano 'dun sa stage kapag nand'un ako. At tsaka mga magaganda lang nararapat doon.
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Fiksi RemajaOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...