Pilit akong dumidilat ngunit, hindi ko magawa, ang takip sa mata ko ay napakahigpit. Ramdam ko ang pamamanhid ng katawan ko habang limitado ang galaw ng kamay dahil sa tali.
Ang mga paa ko ay magkadikit na nakatali. Habang ang kamay ay nasa likurang bahagi ko. Pinakiramdaman ko ang sarili.
"Tulong!" Sigaw ko. Agad akong nagsisi dahil sa napagtanto.
Mag-isa ako sa pasilyong ito. Rinig ang pagbabalik ng aking sigaw patungo sa tenga ko.
"Tulungan niyo ako! May t-tao ba diyan?!" Bahagya akong nasamid sa lakas ng boses ko.
Hindi ako makapag-isip ng maayos sa sobrang sakit ng dibdib ko. "Pakiusap, tulungan n-niyo ako..."
Naramdaman ko na lang ang sarili kong bumagsak ang ulo. Maya-mayang naalimpungatan ako sa pag-iisip nang may narinig.
"Siya ba 'yun?"
"Oo, boss."
"Good." Suminghap ang isang lalaki. "Iwan niyo muna kaming dalawa."
Ang yapak na aking nasaksihan ay nagsilbing gabay upang malaman na nakaalis na siya.
"Sino ka?!" Agad na sigaw ko. Wala na akong pakialam kung anong mangyari, gusto ko lang makaalis sa impyernong ito. "Anong kailangan mo sa akin?!"
"Naya..." Napaawang ang labi ko, kasabay ng pagtulo ng luha. Bakit niya ako kilala?
"Sino ka?! Bakit mo ako kilala!? Tulungan niyo ako!"
"Wala namang nakakarinig sa 'yo dito." Napabaligwas ako sa pagkakaupo nang marahang hawakan niya sa panga. "Sinasayang mo ang iyong enerhiya..."
"Wala akong pakialam sa 'yo!"
"Matulog ka na ulit." Utos niya.
Hindi ko alam kung paanong nangyaring nanghina ang katawan ko. Unti-unting natigil ang kaba at puso ko nang makalihig sa upuan.
Inaantok na ako.
.
"Siya ba 'yun, Raquel?"
"Yes po."
"Hm, ano gusto mong gawin namin dito?"
"Nothing, Tito. Just make sure na hindi mapapansin ni Mave, that's all."
"Hindi tayo makasisiguro. Pasilidad nila ito."
Wala sa sariling napatingala ako nang makagising. Hindi ko alam kung pinaparinig talaga nila ang usapan nila ni Florein dahil naririnig ko.
"No, just be careful. You can do it naman without hesitation, right?"
"Of course, for the both you. Alam mong sa 'yo lang naman boto ang pamilya namin, hindi sa kung sinong may balak pang hatiin kami sa dalawa ulit."
Sarksatikong tumawa si Florein sa kabilang linya. "Trust me, Tito. I'll be good for him."
"Okay. I gotta go, gising na siya." Napayuko ako sa papalapit na yapak. "Alam mo ba kung anong araw na ngayon?"
"2 araw ka nang narito..." Hindi ako interesado sa pagpapalagay niya, gusto ko lang ay makaalis ako dito. "Padadalhan kita mamaya ng pagkain mamaya, baka mangayayat ka lalo."
Ayaw kong kumain. Mas gugustuhin kong mamatay sa gutom kaysa sa mga kamay nila.
"Kaano-ano mo si Florein?" Lakas-loob na tanong ko. Siguradong may koneksyon silang dalawa at may kinalaman siya dito.
"Hm, Tito ako..." Agap niya. "Tito ako ni Mave."
Wala sa sariling napatingala ako. Kahit ba walang nakikita ngayon ay ayaw kong magbulag-bulagan sa katotohanan. Nagsimulang bumigat ang paghinga.
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Teen FictionOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...
