Alas-singko na gumising ang dalawa. Mabuti ay nagising pa nga dahil sarap na sarap sa tulog. Kulang na lang ay diyan na sila maligo.
"Ate, damit ko."
"Tuwalya!"
"Sandali..." Kapag itong kamay ko nabasa, mapapasma ako. Sabay-sabay ang pag-plantsa at pagsisilbi sa mga kapatid ko.
Iniwas ko ang sarili kay Aien na basang-basa ang katawan. Si Levi naman ay panay ang suklay sa buhok niya.
Kabata-bata pa, pumoporma na. "Hoy, Levi! Hindi ka pa tuli," pagpapaalala ko.
"Bukas, Ate-- aray." Simaan ko siya ng tingin. "Liligawan ko si Penelope."
Nasapo ko ang sariling noo. "Magpatuli ka muna," may pinagmanahan.
Nang maihatid sila ay nagpaalam muna si Levi na bibili ng baon niya.
"Si Kuya Mave?" Tumingala si Aien habang sumisipsip ng yogurt.
"Hindi ko alam e. Hindi siya pumasok nang tatlong araw." Naupo ako ng bahagya at inayos ang straw dahil baka tumapon sa uniform niya.
Si Aien palagi ang naghahanap kay Mave kapag hindi niya napansin. Ultimong pupunta ako sa bahay ay hinahanap niya. Sobrang close nila sa isa't isa, kulang na lang ay ipagtabuyan ako nito.
Habang si Levi ang laging kakulitan ni Mave. Nagsasapakan sila kapag nagkikita, nagrereklamo nga siya dahil mas malakas daw sumuntok ang kapatid ko. Hindi naman siya hinahanap ni Levi, unless, gusto nila ng kalaro.
"Bakit?"
"Hindi ko din alam."
"Bakit 'di mo alam? Girlfriend ka niya e."
"Oo. Pero, hindi naman kailangan alam ko lahat sa pribadong buhay niya. May pamilya din 'yung tao."
"Tingin mo niloloko ka ni Kuya Mave?" Napakunot ang noo ko sa seryosong tanong niya.
"Hindi," ngumiti ako. "Grabe ka naman. Hindi gan'un si Kuya Mave mo. Mabait siya, 'di ba?" Inosente siyang tumango-tango.
"Opo. Pero, paano kapag may secret siya sa 'yo, tapos hindi niya nisasabi?" Natawa ako ng bahagya.
Ang bata nga naman, sobrang matanong. "Kaya nga secret kasi hindi sinasabi. At tsaka lahat naman ng tao may secret."
"Si Kuya Levi, dami secret." Pagnguso niya sa convenience store na pinuntahan ng kapatid.
"Ako din may secret." Tumaas-baba ang kilay ko sa kanya.
"Ano po?"
"Secret nga. Hindi pwedeng sabihin." Ngumuso siya lalo.
Sandali siyang natigilan at nag-isip. "Dapat pala may secret din ako."
"May secret ka?"
"Opo."
"Ano?"
"Hindi ko alam..." Nagkibit-balikat siya.
"Isipin mo 'yung bagay na alam mo. Iyong gusto mong ikaw lang makaalam at walang iba." Paliwanag ko.
"Ay, me'ron."
"Ano?"
Hinila niya ako ulit paupo para bumulong.
"Ang pangit ni Penelope." Napakunot ang noo ko.
"Sino 'yun?" Takang tanong ko.
Baka may kaaway ito sa school, ah? Babae pa. Hindi nagsasabi, susugudin ko 'yun.
"Crush ni Kuya Levi." Nakangiting aniya. "Nipakita niya sa 'kin 'yung class picture nila. Tapos nituro niya crush niya, hindi naman maganda."
Tsk. "Laitero ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/248135850-288-k804799.jpg)
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Roman pour AdolescentsOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...