Chapter 41 : Trip

45 7 1
                                        

"Ang lamig." Ani Haree na halos manginig sa loob ng dome.

"Same, siya din." Tinapik-tapik ko ang braso niya kaya nagulat.

"Bakit naman nanlalamig siya?"

"Hindi ka na nasanay, matagal nang ugali ni Mave iyan." Paglilinaw ko. "Alam mo, ganoon din kasi sa relasyon."

"Ayusin niyo agad." Payo niya nang makaupo. "Hangga't hindi pa malala ang lahat, h'wag niyo nang hintayin."

"Iyon nga e, lagi ko siyang kinakausap." Ngunit, hindi niya ako sinasagot. "At kahit ganoon siya, mahal na mahal ko 'yan." Pagmamalaki ko.

"Buti ka pa hindi babaero ang jowa." Aniya at napairap.

Lumapit kami sa dulo ng dome upang magpapirma. Base ito sa utos ng paaralan. Iilang tao din ang nagp-papirma sa daily cards.

"Hanapin mo 14." Bulong sa 'kin ni Haree. Dahil magkaparehas kami ng numero ay dapat sa isang tao lang ang magk-kumpirma noon.

Nadatnan namin ang isang lalaki sa isang table na mayroong numero tulad ng amin. Walang pag-aalinlangan kaming lumapit para makauwi na.

"Good afternoon po." Sabay naming bati.

Isang mid-40s na lalaki ang tiningala kami. Agad akong nanlumo nang magtama ang paningin namin.

"Hm," asik niya nang maibigay ni Haree ang papel.

Tinitigan ko siyang mabuti habang nagsusulat. Doon ko napagtanto na mayroon siyang suot na porselas na katulad ng kay Mave. May hawig din siya sa nobyo ko, lalo na sa labi at ilong.

"How's Academia?" Tanong niya kay Haree. "Is it good?"

Nagkatinginan muna kaming dalawa bago siya sumagot. "Opo. Maganda po dito."

"Na-fulfill ba namin ang expectations niyo?" Tanong niya at inilihig ang siko sa lamesa. Bahagya siyang ngumiti sa kaibigan ko.

"Opo," masigla siyang ngumiti. "Tulad naman po ng ipinangako nila, nagagamit po namin lahat ng facility dito."

Napayuko ako. Parang kanina lang ay minumura nila ang paaralan sa dami ng ginagawa.

"Hm." Tumango siya. "I see, you think makakatagal ka dito?"

Nanlaki ang mga mata ni Haree sa tanong niya. "Po?" Tinaasan lang siya ng kilay nito. "Ah, opo. Syempre mag-aaral p-po ako dito hanggang makatapos ako ng college."

"Good to hear." Nagkibit-balikat siya. "Maganda ang grades mo but, not intended for Section 1. I assume na, maybe 4 or 5."

Napaawang ang labi niya. "Naiintindihan ko po..."

"You're from Shang family, well known when it comes to fashion business and designing." Paliwanag niya. "Maarte ang paaralan. Sa susunod ay mas pataasin mo pa ang grado mo para hindi kami magkaroon ng dahilan upang ilipat ka."

Tanging pagtango na lamang ni Haree ang naisagot niya. Yumuko siya ng bahagya dahil hindi makapagsalita. Nauna na siyang maglakad at lumingon pa sa akin. Bumaling din ako sa likod dahil ang tagal nila Wren na kaparehas ko ng numero. Naiwan akong mag-isa dito.

"Contregiao?" Tanong niya kaya napatingin ako muli. "Who's your Father?"

"Daren Mart Contregiao po." Pinilit kong ayusin ang pagsasalita ko. Sarksatiko siyang natawa. "Matagal na pong namatay si Papa," dagdag ko pa.

"I know," masama ang pagtingin niya sa akin. Ilang segundo bago nag-tuloy-tuloy ang sinabi niya sa utak ko.

Bakit niya naitanong? Bakit niya rin alam?

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon