"You want this, Naya?"
"Ano 'yan?"
"Napanood mo na Weightlifting Fairy?" Mariing tanong niya at inilabas ang iba pa.
"Oo, hindi ko natapos kasi nakiki-usyoso sina Aien." 'Di ako makapag-focus.
"Ito 'yung sausage." Inilabas niya sa kahon ang mga pamilyar na pagkain. "I bought this food yesterday. Uh... sa malapit na Korean store."
Iyon nga. "Pahinge," nagutom ulit ako. "Luto na 'yan, 'di ba?"
Natatawa niyang binuksan ang isang sausage. "Tikman mo muna kahit konti."
Kinagat ko ang sausage na hawak niya gaya ng sinabi kaya kita mo kaagad ang pagsimangot niya.
"Sabi ko tikhim ka lang ng konti, bakit nakalahati?" Ngumuso ako sa kawalan at hindi siya pinansin.
Pilit kong nilasahan ang pagkaing iyon dahil bago sa bibig ko. Ba't parang ham?
"Hmm!" Seryoso siyang tumingin sa akin. "Masarap, pe'nge dalawa."
"Isa lan-- sige na nga." Napilitan siyang ibigay ang dalawang sausage. "'Yan lang, akin na ito."
"Ang damot mo." Tiningnan ko ang nasa loob ng kahon. "Pito sa 'yo, mauubos mo 'yan?"
"Syempre. Kaya nga ako bumili kasi wala akong almusal."
"Pero, kahapon mo binili?"
"Opo."
"Ba't 'di ko nakita?" Kung alam ko lang na nadaan siya doon, nagpasabay na ako.
"Nauna ako bumili bago ka sunduin."
"Ang sama mo! Damot."
"Hindi, ah!" Itinuro niya ang dalawang sausage na sabay kong kinakain. "Binigyan nga kita, nagkataon lang na matagal kayong lumabas."
"Matagal?" Pag-uulit ko. "Madalas na ngang napapaaga uwi natin dahil diyan."
"Ang daldal mo." Puna niya. "Kumain ka na."
Wala pang isang minuto ay ubos na ang dalawang ibinigay niya sa akin.
"Buti pa ikaw nakakapaggastos, 'no?" Simple kong sabi at tumingin muli sa kahon ng sausages.
Sarkastiko siyang tumawa bago pinunasan ng panyo ang labi. "I have my own business, and money."
"May business ka?" Tumingala ako sa langit at inakbay ang kanang kamay ko sa sandalan dahil naroon siya sa bahaging iyon. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko.
Sige lang, mag-kwento ka pa...
"Uh, I don't have. What I mean is, I mind my own business." Napaawang ang labi ko at tumango-tango. "Wala silang pakialam sa mga ginagastos ko."
"Ah, maganda 'yan," simple kong sinulyapan ang malapit nang mapasakamay ko. "Buti 'di ka napapagalitan?"
"Pinagagalitan ako." Paglilinaw niya. "Syempre, pakialamero pa rin sila." Hindi ko maiwasang mapangiti sa sama ng loob niya, parang sinisisi ang mundo. "Pero, dahil tarantado naman ak--"
"Ano?"
"Hehe." Napilitan siyang tumawa. "Aminadong tarantado pero gwapo."
Itinuloy ko na ang plano sa pagkakataong iyon.
"Dahil nga gan'un, hindi ko na lang sa pinapansin..." Umirap siya sa kawalan.
Nakakapagtaka ang kalagayan ng pamilya niya, hindi ko alam kung anong klase.
Binuksan ko ang dalawa pang sausage sa kamay ko bago kumagat. "Hm, kaya pala gan'un ka."
"Anong gan'un ka?" Pagtingin niya at suminghap. "Parang ang sama ko, ah?"
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Roman pour AdolescentsOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...