Chapter 26 : Bully

43 7 0
                                        

Mave Christopher Perisiaño
Labas ka dito, Naya. Narito ako sa tapat ng bahay ninyo.

Napabaligwas ako sa pagkakahiga nang makita ang mensaheng iyon. Pati 'yung dalawang bata na inosenteng nagliligpit ay nagulat sa pagtayo ko.

Kapag makita ito ni Mama, papapasukin 'yun. Dali-dali akong tumakbo hanggang makarating sa labas ng bahay. Pormal siyang nakaharap sa cellphone at nag-angat lang ng tingin nang mapansin ako.

Naka-suot siya ng simpleng loose black and white stripped na long sleeve at black na ripped jeans. Nagmukha siyang mas matangkad sa suot niyang ito.

"Bakit ka nandito?"

"Uh, binibisita ko lang girlfriend ko."

"Gabing-gabi na Mave, lumalandi ka pa."

"Okay lang naman 'yun." Pagpapalagay niya. "Atleast may label na tayo. Hindi katulad n'ung iba diyan, naglalandian pero ayaw sa label at commitment."

"Ang sama mo naman sa kanila. Malay mo hindi pa ready."

"Kuya!"

"Kuya Mave, pasok ka."

Ngumisi siya sa akin bago diretsong pumasok sa bahay. "Hello, cuties." Bati niya sa mga kapatid ko. "How are you?"

"Hindi nage-English 'yan."

"Five." Sagot ni Aien.

"Kumusta na daw." Pagtatama ng Kuya.

"Ah, okay lang po."

Natahimik kaming dalawa sa mala-pusang mata nila. "Bakit ka po nandito?"

"Uh," napayuko ako nang maramdamang tingnan niya. "Binisita ko girlfriend ko."

"Uyy, sana all." Natatawang ani ng barumbadong Kuya. Tsaka siya natigilan. "Ano daw?"

"Nibibisita niya daw girlpren niya." Pag-uulit ng kapatid.

Nagkatinginan kami ni Mave nang magtanong ang bata.

"Girlfriend mo Ate ko?"

Inayos ni Mave ang sarili. "Hindi, iyong kapitbahay niyo diyan sa tapat--"

Pinigilan ko ang tawa ko. Sandali silang natigilan at nag-isip. Sige na, magwala na kayo. Alam niyo namang bakanteng lote ang nasa tapat.

"Hindi! Alam kong si Ate girlprend m--"

"Ma, padumihan lahat ng plato!"

"Ang ingay mo, Aien." Napapikit ako sa pagpuna niya.

"Hi, Mama."

"Oh? S'an larga mo?"

Dahan dahan akong lumakad palabas muna ng bahay. Hangga't hindi pa ako napapansin ni Mama.

"Ah." Hindi ko alam kung bakit ramdam ko ang pawawala ng mata niya nang tumawa. "May pupuntahan daw po kami sabi ni Auntie. Tumigil lang po kami dito kasi dumaan ako."

Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon