"Mave! Mave, may trabaho akong nahanap!"
Hindi ko mapigilan ang sarili sa pagsigaw habang papalapit sa kanya.
"Woah! Dahan-dahan..." Muntik pa akong madapa sa harap niya nitong tumakbo. "Haha... Tanga-tanga kasi."
Sinamaan ko siya ng tingin at sinipa sa slacks. "May sasabihin lang!"
Siya nga itong demanding na sabihin ko na agad sa kanya para makita niya kung anong trabaho makuha ko. Kainis.
"Ano? Saan ba banda?"
"Naalala mo 'yung pinagkainan namin dati nila Oliver?" Kumunot ang noo niya. "'Di ba? 'Yung nag-park ka nga sa harap ng café niya, tapos tinawag mo siya mula sa labas para magpaalam. Nag-finger heart ka pa nga n'ung pumayag siya."
Saglit siyang tumingala sa taas, akala mo'y may dumaang malakas na hangin. "Naalala mo na?"
"Kay Elirihn?" Tumango-tango ako nang maalala ang pangalan ng babae.
Siya 'yung cute na babae na mukhang Koreana.
"Nagpatulong din ako kay Haree kasi kaklase niya dati." Pagd-daldal ko kahit pagod. "Ayun, baka mamayang uwian, pumunta ako d'un sa café."
"Sige, samahan kita."
"Talaga?" Tumango siya. "Sige, ta's libre mo na din ako ng mandu."
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. "Kuripot ka. Magkano lang naman babayaran, naalala ko pa dati tig-90 pesos lang yata bili namin d'un." Laban ko sa kanya.
Ang sarap nila magluto. May lasa 'yung samgyupsal nila, at madami pa ang servings. Kung ako magtatayo ng café o resto, katulad din ng kanila na hindi tinipid para sa mga costumers.
"Ano ka ba? Nag-iipon ako ng pang-kasal nati--"
"Sakalin kita?"
"Sige, basta..." Hinampas ko siya sa balikat bago pa sumilay ang ngisi sa labi niya.
"Sige, basta..." Pinataas-baba ko dito ang kilay ko. "Diretso na si Kamatayan dito."
"I'm just kidding," dumamba siya nang akbay sa akin kaya halos masakal din ako. Papatayin ako nito nang wala sa plano.
"We're here!" Masiglang sigaw niya. "Let's go, nagugutom na rin ako."
Napailing na lang ako sa trip niya. Aayaw pa siyang manlilibre pero siya pala gutom. "Minsan nakakatulong sa ekonomiya ang panl-libre."
"Ha? What do you want me to do?" Interesadong tanong niya. "Gusto mo bang ilibre ko ang bansa natin para mabayaran ang mga utang at lumago ang ekonomiya?"
Napaisip ako. "Sa bagay..." Pagkapasok namin ay sinalubong agad ng mabangong hangin mula sa loob.
"Hello!" Masiglang bati ni Mave sa mga kumakain. "Tara na, gutom na ak--"
"Mamaya ka na kumain." Bulong ko. "Baka nakakalimutan mo kung bakit tayo nandito? Kakausapin natin si Ma'am Elirihn."
Napanguso siya. "Mamaya n--"
"Mave."
"Elirihn!" Sigaw niya habang palapit sa counter. "Nandito po ba siya?" Tanong niya sa isang staff.
Hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda ng café. Halata mong sobrang fan ang may-ari, may standees ng mga Korean idols at actors. Translated din sa Hangul ang menu nila, at ang pinapanood nila sa TV-- Kmovie.
Masarap talaga siguro mag-trabaho dito.
"Ah. I'm sorry po, Sir. Maya-maya pa po siya dadating."
"Anong oras ba kayo nagsasara?" Inungusan ko siya nang marinig ang inis na tono.
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Fiksi RemajaOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...