"Bakit mo ginawa 'yun, Mave?"
"They deserve it." Nakangiti niyang ani. "Sa tingin mo, ano ang mararamdaman ng mga students na nakakita ng ginagawa nila for the last 5 years, hm?"
"It is not just for your sake, Naya." Inayos niya ang buhok ko. "It's for the sake of our school and every students."
"Oh, hindi kasi ako nakakaranas pa ng gan'un kaya nagulat din ako."
Ibang klase si Mave sa pag-process pa lang ng expulsion at investigations sa mga illegal documents na makukuha. Kayang-kaya niyang gamitin ang labing-dalawang oras sa isang araw para lang dito.
"At tsaka, ngayon ko lang kasi nakita na bumaba at nagkaroon ng pakiramdam ang mga opisyal." Natawa siya sa sinabi ko.
"Ngayon lang sila nagkaroon ng paki sa atin, naabutan mo ba dito 'yung Grades 7 na namatay dahil daw sa aneurysm?" Naalala ko iyon.
Ang kaso ay bagong transfer pa lang ako galing sa school ko dati. Sobrang bango pa ng issue na 'yun dito kaya nalilito ako.
"Hindi na siguro, pero fresh pa kasi 'yung usaping iyon dito nang maka-lipat na ako."
"Isang taon ding usap-usapin 'yun dito sa amin. You said that, 3 years ka na dito, it means 1st year High School pa lang tayo n'ung usap-usapan." Linaw niya. "Grade 8 nga pala kami n'ung nangyari."
"Iba ang grading period dito?"
"Yes, paka-graduate ng elementary ay diretso Grade 7. Pagkatapos mo naman ng Grade 8 ay doon pa lang kino-consider na 1st Year High School ka na, kaso nga iba talaga dito. Parehas tig-kalahating taon 'yung Grade 7 and 8 kasi naniniwala sina Madam President na parang practice lang ng estudyante 'yung idinagdag." Magalang na sagot niya. "So ngayon, 4th year tayo. Grade 12, bago mapupunta sa College 1."
"Kung nandito ka, kikilabutan ka talaga sa nangyari. Nalaman namin na namatay 'yung bata kasi na-stress sa pinaggagagawa sa Ate niya." Ngumuso siya sa akin. "Ayun, kaya 'yun sila."
"Pa-kiss ako..." Biglang banat niya maya-maya.
Gandang bungad.
"Gusto mong tampalin kita?" Banta ko na ikinasimangot niya.
"Isa lang." Pagturo niya pa at mas hinabaan ang nguso.
"Ayusin mo buhay mo, Mave. Puputulin ko dila mo."
"'Wag." Pagtakip niya sa labi. "Hindi ko maipararanas sa 'yo French kis--"
Kaagad ko siyang sinuntok sa braso. "Ang bigat ng kamay ko sa 'kin!" Reklamo niya habang hinihimas iyon.
"Ikaw! Naninindig balahibo ko sa mga pinagsasasabi mo, hindi ka ba kinikilabutan?!" Kinurot ko siya sa tagiliran kaya iyak-tawa siyang umangal.
"Hindi naman. Siguro kung magpapakasal na tayo, bugbog-sarado ako sa 'yo."
"'Wag kang ano, mambubugbog talaga ako dati ng mga gaya mo."
"Mga gwapo?"
"Hindi, mga tarantado." Speaking of-- "Ah. Iyong sindikato na sinasabi nila." Simple akong tumingin sa kanya. "Totoo b-ba 'yun?"
Ayaw kong maniwala sa kanila dahil sila-sila lang naman ang nagsabi. Hindi rin naman nagsabi si Mave kaya ganoon.
"Yes." Walang pagaalinlangan niyang sagot, yumuko at mapait na ngumiti.
"Member ako dati ng isa sa kilalang sindikato. At alam ng buong Academia 'yun."
"Kaya ba sila natatakot sa'yo?"
"I guess..." Muli siyang tumingin sa akin nang hindi natatanggal ang ngiti sa mukha. "Actually hindi lang ako basta member, tawag nila sa 'kin boss. Dahil siguro, itinayo iyon ng Tito ko."
BINABASA MO ANG
Onto Another You: Next Dimension (Side of the Universe #2)
Novela JuvenilOne of the most painful words there could be is "parallel." Those lines never met. But both of them did... Hindi kailanman naghirap sa pagmamahal si Naya Contregiao kahit na kapos kadalasan sa pang-araw-araw. Nananatiling bukas ang kanyang isipan sa...