Chapter One Hundred and Fifteen || Jerome

112 14 4
                                    

"Jerome! Nakaka-miss kang bwiset ka!"

Parang mas lalo pa atang dumami ang tao ngayon sa Sunken Garden para sa huling araw ng UP Fair. Mas marami nang mga galing ng high school kumpara nung isang araw... siguro dahil na rin ngayong weekend lang sila pwedeng pumunta sa UP Fair buhat ng kailangan pa nilang mag-aral nung mga nakaraang gabi.

Tulad nila Patrick at Bea.

Tinext ako ni Patrick kanina na pasakay na silang tatlo nila Bea at Nathan ng jeep papunta dito sa venue kaya agad na rin akong nagbihis at sumakay ng tricycle palabas ng Maginhawa.

Medyo natagalan pa akong sumakay ng Ikot papasok ng campus kaya mas nauna nang nakapasok sila Nathan sa fairgrounds kaysa sa akin. Kinailangan ko pa silang hanapin sa loob, at nakita ko na lang na nakatambay sila Patrick at Nathan malapit sa main entrance nang yinakap kaagad ako ni Bea pagkakita na pagkakita niya sa akin.

"N-Na-miss rin kita, Bea..." banggit ko sa kanya habang patuloy ang pagyakap niya sa akin.

"Tumangkad ka pre!" banggit ni Patrick bago siya nakipag-kamay sa akin. Yinakap niya rin ako habang tumatawa. "Dati mas matangkad pa ako sa'yo ng ilang inches, ngayon parang magkasingtangkad na lang tayo!"

"Tsaka pumayat ka!" dagdag ni Bea. "Kumakain ka pa ba?"

Napangiti ako.

"Kulang lang talaga ako sa tulog," sagot ko. "Sa gabi na ako nagtatrabaho eh."

May sinasabi pa si Bea sa akin nang mapansin kong lumapit sa aming tatlo si Nathan nang tahimik. Sandali lang siyang sumulyap sa akin bago siya tumingin sa ibang direksyon.

Nakita rin siguro ni Bea na nananahimik si Nathan kaya siniko na niya ang lalaki sa tagiliran. Nagulat ni Nathan sa biglaang atake ni Bea sa kanya kaya bumalik na rin ang tingin niya sa akin.

"Uhh..." Napalunok si Nathan. "H-Hi."

Nginitian ko siya.

"Hi..." nahihiya kong pagbati sa kanya.

Hinila kami ni Bea palapit sa isa't-isa habang nakahawak sa mga kamay namin saka siya nagsimulang maglakad papunta sa mga kainan sa harapan namin. Sumunod na lang si Patrick sa likuran naming tatlo, nagmamasid ng mga pagkaing niluluto sa bawat tent.

"Tong dalawa naman talaga oh, nagkakahiyaan pa..." banggit ni Bea. "Ano bang meron sa inyong dalawa, ha?"

"W-Wala ah...!" nagmamadaling sinagot ni Nathan.

"O-Okay lang kaming dalawa," dagdag ko.

"Eh kung ganun naman pala eh ano pang hinihintay niyong dalawa? Hindi ba kayo pwedeng magsama tulad ng dati?"

Nagkatinginan kami ni Nathan, pero iniwasan na naman niya ako ng tingin bago pa ako makapagsalita. Nanatili siyang tahimik kahit ilang beses na akong tinatanong ni Bea tungkol sa banda namin nila Anita. Inasahan ko na sisingit siya habang nagkukwento ako, pero wala.

Nahihiya na ba siya sa akin dahil nakita ko silang magkasama ni Joaquin nung Wednesday?

"Ikaw ba, Nathan... kamusta ang pagbabalance mo ng aral, trabaho, at lovelife?" pabirong tanong ni Bea. "Parang andami mong time ngayong college ah."

"Wala akong lovelife," pagtanggi ni Nathan.

"Hmm, talaga ba?"

Pasimpleng lumingon si Bea sa akin habang hindi nakatingin si Nathan, naghihintay ng magiging reaksyon ko. Wala naman akong kaide-ideya kung anong ibig niyang iparating kaya hindi na lang ako umimik.

"Pagpasensyahan niyo na 'yang si Bea." Tumabi si Patrick kay Nathan. "Wala kasi siyang makuhang boyfriend ngayon kaya sa lovelife na lang ng mga kakilala niya siya nangingialam."

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon