Chapter Eleven || Jerome

609 13 4
                                    

"Ano nga ulit itsura ng kintsay?"

Mga-alas dos na ata kaming natapos kagabi sa band practice dahil marami kaming gustong gawin simula nang dumating sila Irene at Ton. Nakatulog naman ako kaagad pagkauwi ko at kaninang 10 lang ako nagising... pero paggising ko, tumambad namaan kaagad sa akin ang utos ni Tita na mag-grocery.

May iniwan siyang pera at listahan ng bibilhin sa ref, at kailangan nakapag-grocery na raw ako bago siya umuwi mamaya. Mag-tricycle ako palabas ng Maginhawa at papunta sa UP Town Center kung saan ako sinabihan ni Tita na mamalengke.

Sabi nila, mas marami pa raw na taga-Ateneo na napunta dito sa UP Town Center kaysa sa mga talagang taga-UP. Di ko alam kung saan ko narinig 'yun pero panay nga mga naka-Ateneo na lanyard at mamahaling damit na may tatak ang mga nakikita kong naglilibot sa loob. Marami na kaagad tao sa loob ng mga pang-mayayaman na restaurant na tipong kahit kasama ko pa si Mama ay hindi ko pa naisipang kumain doon dahil sa sobrang mahal ng pagkain sa mga restaurant na iyon.

Ganun na ba kayaman ang ibang mga taga-Ateneo at kaya nilang mag-lunch sa mall kapag gusto nila?

Kahit na marami nang mga estudyante sa loob ng mall Mall — taga-UP man o hindi — konti pa lang ang tao sa loob ng grocery, at panay mga nagk-kwentuhang mga matatanda lang ang namimili kasabay ko. 

Nandito ako ngayon sa harapan ng mga gulay, hawak-hawak ang mahabang listahan ni Tita at naghahalungkat ng mga dahon-dahon dito para hanapin ang kinchay na pinapabili ni Tita. Maraming mga staff na nagre-restock ng mga prutas at gulay sa paligid ko.

"A-Ano?" sigaw ni Anita sa kabilang dulo ng tawag.

Tinawagan ko siya dahil baka matulungan niya ako sa ganitong bagay. Parang wala na rin kasi akong choice kundi tawagan si Anita dahil siya lang ang kilala kong walang klase ngayon. At isa pa, mukha namang hindi rin marunong mamalengke si Tristan. Baka nga mas matagalan lang ako dito kung siya pa tatawagan ko.

"Pinapa-grocery ako ni Tita!"

"Bakit 'di mo alam itsura ng kintsay? Basta maliit lang 'yun, kung 'yung mga malalaking dahon-dahon 'yung kinukuha mo, tanga green onion 'yun. Wala bang nakalagay na label 'yung mga gulay diyan? Hanapin mo kasi!"

Sinunod ko ang sinabi ni Anita at naghanap ako ng maliit na kumpol ng gulay. Binasa ko ang label nito sa price tag: 'Kintsay'. Nilagay ko kaagad ito sa hawak kong shopping cart na wala pang kalaman-laman bukod sa isang supot ng bawang.

"Anlaki-laki mo nang tao, 'di mo pa nararanasang mag-grocery mag-isa? Nasaang grocery ka ba at nang mapuntahan kita diyan mamaya?"

"Sa Town Center."

"Ge. Punta ako diyan mamaya."

Binaba na ni Anita ang tawag at nagpatuloy na ako sa paghahanap ng mga pinapabili ni Tita.

Si Mama kasi lagi 'yung nagg-grocery para sa aming dalawang magkapatid kaya lumaki akong inaasa sa kanya ang lahat ng gawaing-bahay. Ngayon palang nagsi-sink in na dapat na akong matuto na gumawa ng gawaing bahay dahil laging wala si Tita sa bahay.

Sana pala natuto muna ako maglaba bago ako lumipat dito sa QC nang hindi ko na lang ipinapalaba sa laundry shop 'yung mga damit ko. Sayang rin kasi sa pera. Nakakaumay rin na araw-araw na lang de lata ang ulam ko dahil 'yun lang ang alam kong ipainit sa kawali. Kailangan ko pang hintaying makaluto si Tita ng hapunan niya bago ako makakain nang maayos.

Habang naglalakad ako sa mga aisle ng grocery ay may narinig akong usapan ng dalang matandang babae na nakasuot pang-mayaman. 'Yung tipong tambay ng mga spa at salon sa mall.

"Nabalitaan mo ba 'yung nangyari sa anak ni Jennilyn?"

"Anyare? Nakapasa ba si Wesley sa UP?"

"Oo, Univ Scholar pa nga eh. Bio daw course. Antalino nun, grabe."

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon