Chapter Sixteen || Nathan

545 12 1
                                    

"Irasshaimase!"

Marami na namang tao sa sikat na Japanese restaurant na malapit sa amin dahil Sabado na naman ng gabi. Paikot-ikot ang mga staff na nakasuot ng traditional Japanese clothing habang kumukuha at nags-serve sila ng mga orders ng mga customer na nauurat na sa kakahintay, at mukhang hindi na nakakapag-pahinga ang mga cook sa loob ng kusina.

Kahit na siksikan na sa loob ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng tao to the point na kailangan pang maghintay ng mga bagong dating sa labas bago sila paupuin.

"Buti na lang pala nakapagpa-reserve na tayo kanina," bulong ng kaibigan kong si Bea sa akin.

Siya ay mga nasa 5'6", may maputing kutis at iilang mga freckles sa kanyang pisngi. May pagka-kulot din ang kulay dark brown niyang buhok na abot hanggang balikat.

Lumipat siya sa school namin sa first year ng junior high. Mahiyain pa siya nun, pero pagdating ng senior high ay sa kanya na nagsisimula ang lahat ng ingay sa classroom namin.

Naging kilala siya sa school namin dahil lagi siyang ginagawang representative sa tuwing may regional at national art competitions, kaya hindi na rin ako nagulat nang mabalitaan ko na nakakuha siya ng art scholarship sa sa UST. Sagot na nung scholarship niya 'yung dorm na tinitirhan niya ngayon, at paminsan-minsan pa nga'y naiinggit ako sa itsura ng living quarters nila sa tuwing nakikita ko ito sa mga pinopost siyang selfie sa Instagram.

Sa yaman ng pamilya nila ay kaya ni Bea na mag-pursue ng art degree na walang pag-angal mula sa kanyang mga magulang. Siguro nga malaking privilege din minsan ang makakuha ng dream course mo.

Siguro kung kasing-yaman ko lang sila Bea ay naging chef at mukbang content creator na ako sa Youtube.

"Kaya nga. Marami talagang tao na napunta dito, pero di ko inakalang ganito pala karami 'yung dadayo ngayon." sagot ng kaharap niyang si Angel.

Mas payat siya kumpara sa amin ni Bea, mga 5'8" ang tangkad, may straight at itim na buhok hanggang sa kanyang likod, at mas maitim na skin tone kumpara kay Bea.

Si Angel naman, nagsimula nang magtrabaho full-time sa restaurant business ng mga magulang niya pagkatapos grumaduate ng senior high school sa murang edad na 19. Hindi na siya nag-pursue ng bachelor's degree sa college, pero sa tingin ko ay kumukuha pa rin siya ng mga online courses sa culinary arts para mapanatili niya ang quality ng family business nila.

Free-spirited si Angel by nature, kaya sobrang independent na niya sa buhay. Talo pa nga niya ata ako pagdating sa adulting... at mas marunong siyang humawak ng pera kaysa sa akin. Para tuloy mas matured na siyang mag-isip kumpara sa aming lahat.

Kinuha ni Angel ang menu na nakapatong sa gilid ng table namin. "Order na ba tayo?" tanong niya habang binabasa niya ang mga sine-serve na dishes sa resto.

"Masarap raw 'yung spicy tuna sushi nila dito," banggit ng isa ko pang kaibigan na si Patrick.

Kapansin-pansing mas matangkad at mas malaki ang katawan niya kaysa sa akin, at may kakaunting balbas na tumutubo sa kanyang baba. Moreno ang kanyang kutis. Mahaba at kulot ang kanyang buhok, na para bang isa siyang hipster barista na nagtatrabaho sa isang high-end na café sa BGC.

Biro namin ni Bea sa kanya, sakto lang 'yung itsura niya sa kinuha niyang course — nag-BS HRIM kasi siya sa Benilde tapos Culinary Arts ang specialization niya. May plano nga rin daw siyang magtayo ng sarili niyang restaurant balang araw, which meant na magiging magkaribal sila ni Angel kapag minana na niya 'yung restaurant business ng mga magulang niya.

Ang nakakatuwa din sa kanya ay ang galing niyang tumugtog ng violin. Siguro 'yun na ang ginawa niyang hobby pagtungtong namin ng high school hanggang sa may kumuha sa kanyang grupo ng nagp-perform sa mga kasal. Pagkatapos ay naging part-time job niya ito mula sa sandaling iyon.

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon