"Jerome, paturo naman sa Physics oh!"
Ilang minuto na lang bago ang kinakatakutan naming finals exam sa Physics pero hindi pa rin magkandaungaga ang karamihan sa mga kaklase ko. Marami pa rin ang pinipilit kabisaduhin ang mga formula sa binigay na reviwer ng prof namin, nagpapaturo kay nila Christine at Keith ang mga alanganin sa Physics at umaasa na lang sa finals para mahatak ang kanilang grade, may kanya-kanyang discussion ang mga magto-tropa...
Ramdam na ramdam na sa hangin ang pagkadesperado naming lahat na makapasa. Sobrang hirap ng mga nakaraang linggo lalong lalo na sa subject na 'to... halos wala pa sa sampu ang nakakapasa sa bawat quiz na ibigay sa amin ni Ma'am. Bumabawi na lang kami sa mga assignment kahit pa mababa ang percentage nito sa final grade. As in ginagawa na namin ang lahat para lang makapasa.
Pero hindi pa rin kami sigurado na makakapasa kaming lahat.
Nagulat ako nang biglang pumuwesto si Bea sa katabi kong upuan at inusog pa niya ito palapit sa akin para lang magpaturo. Binuklat niya ang kanyang notebook at nagsimulang magbasa ng kanyang mga isinulat na solution.
Sabi ko pa naman makakapag-review ako nang payapa.
"Eto, paano nga ulit 'to?" May tinuro siyang tanong sa kanyang notebook. "Kagabi ko pa 'to hindi ma-solve eh. Hindi rin naman sumasagot sa e-mail ko si Ma'am..."
"B-Ba't ako ang tinatanong mo...?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman ako magaling sa Physics ah..."
"Pero pumunta ka naman dun sa tutorial classes nila Keith eh. Sige na kasi, Jerome..." Nagmamakaawang hinila-hila ni Bea ang braso ko palapit sa kanya. "Marami nang silang tinuturuan oh."
Tumingin kaming dalawa ni Bea sa kabilang dulo ng classroom kung saan nagkukumpulan ang ilan sa mga kaklase namin. Kasama ni Christine ang mga babae samantalang nakapalibot naman sa upuan ni Keith ang mga lalaki. Halos pagkaguluhan na silang dalawa sa sobrang dami ng tanong ng mga kaklase namin sa kanila.
Nasilip kong nakakunot na ang noo ni Christine dahil sa stress. Hindi na niya siguro kinakaya ang dami ng mga babae na nagtatanong sa kanya.
Kung pwede ko lang sana siyang tulungan eh.
"Sus. Pabayaan mo na 'yang girlfriend mo," banggit sa akin ni Bea nang mahuli niya akong pinapanood si Christine. "Ganun talaga kapag tutor, mataas ang stress levels."
"P-Paano mo nalaman—"
"Na ano? Na kayo na ni Christine?" Tumawa si Bea. "Sa tingin mo ba hindi ko kaagad makikita 'yung story ni Christine sa IG? Lagi akong nasa IG, Jerome... walang lumilipas na araw na hindi ko nakikita ang mga pinaggagagawa ng mga kaklase natin."
Tsk, hindi ko naman alam na ipo-post pala ni Christine sa IG 'yung pic ko nung kumain kami sa labas nung isang araw. Wala pa naman akong IG kaya hindi ko alam kung anong itsura ko dun sa pic.
Niyaya ko kasi si Christine na mag-review nung isang araw para sa Physics at Math kaya napag-desisyunan naming dalawa na kumain sa labas. Hindi na kami lumayo dito sa campus at pinuntahan na lang namin 'yung pinakamalapit na cafe para doon mag-aral.
Sa kalagitnaan ng kain ko, tinawag niya ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya. Eh 'yun pala, nakahanda na 'yung camera sa phone niya. Akala ko pa naman ise-save lang niya 'yung photo ko sa gallery niya... ipopost na pala niya sa social media. Iniisip ko pa lang, nahihiya na kaagad ako para sa sarili ko.
Mukha siguro akong tanga dun sa story ni Christine sa IG.
"Anong itsura ko 'dun sa story ni Christine, mukha ba akong katawa-katawa....?" tanong ko kay Bea. "Marami bang nakakita dun?"
BINABASA MO ANG
Maginhawa Nights #TheWattys2022
RomanceSi Jerome Angelo Mendoza ay isang freelance musician na napadpad sa matao at busy na Maginhawa. Kalimitan mo siyang makikita na pakalat-kalat sa mga bar at restaurant, umaasang may makukuha siyang kahit kapiranggot na pera lamang tuwing kakanta siya...