Chapter Twenty || Nathan

502 13 5
                                    

"Tao po... Tita?"

Walang nagbago sa bahay nila Jerome since the last time na bumisita ako sa kanila. Pero mukhang bagong pintura ang pader at gate nila sa labas dahil naalala kong halos burado na ang pintura nila dati.

Nakabantay pa rin sa tabi ng gate ang golden retriever ni Jerome na si Ariston. Buti na lang at namumukhaan pa rin niya ako hanggang nagyon kaya parang masaya ang mga tahol niya nang makita niya ako sa labas ng gate.

Hindi pa rin ako makapaniwala na mas matagal pa akong nandito kesa sa sarili kong bahay minsan tuwing weekend. Para lang akong umuwi... pero sa bahay na puno ng mapapait na alaala.

Aaminin ko, nagdalawang isip ako na pumunta dito pagkagising ko kaninang umaga. Kasi ano naman kung wala na siya dito sa Cavite? May pake ba ako sa kanya? Ba't ba ako pumunta dito in the first place? Ito ba ang magbibigay sa akin ng closure na kailangan ko?

Pero huli na ang lahat. Wala nang atrasan ngayon. Maliban na lang kung wala palang tao sa loob ng bahay nila, at pwede na lang akong umalis basta-basta—

"Nathan?" Narinig ko ang boses ng nanay ni Jerome mula sa loob ng kanilang bahay. "Ikaw ba 'yan, anak?"

Here we go.

Narinig kong in-unlock ni Tita ang bolt ng kanilang front door at lumabas siyang naka-oversized na shirt at pink na pajamas.

"Ariston!" Sinaway ng nanay ni Jerome ang aso nilang kanina pa takbo nang takbo sa garahe nila. "Ang ligalig naman talaga ng alaga ni Jerome..."

Pagkabukas ng gate ay nilundagan kaagad ako ni Ariston. Lumuhod ako sa harapan niya para paglaruan ang kanyang buhok.

"Good boy..." bulong ko sa kanya. "Na-miss mo ba ako, Ariston?"

Tumahol si Ariston nang malakas.

"Na-miss din kita, baby..."

"Sa lahat ng mga bisitang inuwi dito ni Jerome, Ikaw lang talaga ang nagustuhan ni Ariston," kwento ni Tita. "Hindi ko alam kung bakit. Pasok ka, Nathan."

Tumayo na ako para sumunod kay Tita papasok sa bahay nila, pero nakabuntot naman si Ariston sa likuran ko. Tinanggal ko ang sapatos ko at inilapag ito sa shoe rack sa gilid ng pader kasama ng mga lumang sapatos ni Jerome.

Maraming mga nakasabit na mga picture frame sa pader, at may napansin akong family picture mula pa noong baby pa lang si Jerome. Hindi ko alam na ganoon pala siya ka-chubby nung bata.

Marami ring mga naka-frame na medals at certificates; siguro mga awards 'yun ni Jerome nung elementary at junior high. At siyempre, hindi naman mawawala ang most recent school photo niya... ang kanyang grad pic. Naka-red siyang graduation gown at kapansin-pansin ang pagka-gel ng kanyang buhok.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Tita mula sa dining area ng bahay nila. "Ipagtimpla kita ng kape."

"Kahit 'wag na po, Tita," sagot ko. "Kumain na po ako kanina bago ako umalis."

"Ay nako, Nathan. Wag ka nang magsinungaling. Ilang beses ka nang bumibisita dito, pero hanggang ngayon nahihiya ka pa rin sa akin. Halika na dito at mag-iinit ako ng pandesal."

Sumunod na lang ako kay Tita kahit na nahihiya pa rin ako talaga sa kanya.

Laging ganito kabait sa akin ang nanay ni Jerome kahit na isang taon lang kaming naging kaklase ni Jerome nung senior high. Parang hindi ko pwedeng tanggihan lahat ng mga ibinibigay niya sa akin.

Parang ako ang pinakapaborito niya sa lahat ng dumalaw sa bahay nila. Mukhang nabisita rin naman dati dito si Christine nung sila pa ni Jerome, pero bakit ako pa ata 'yung paborito ni Tita?

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon