Chapter Ninety || Nathan

132 11 0
                                    

"Shet, ubos na pala 'tong canvas paper ko!"

Sabado na ng umaga, at kasalukuyan akong nagm-mop sa unit ko dahil ngayon lang ulit ako nagkaroon ng oras upang maglinis. Nakapatong sa kama ang lahat ng mga lamesa at tinago ko muna sa loob ng aparador ang mga rug at carpet habang naglalampaso ako ng sahig.

Nakalagay na rin sa laundry bag ko ang mga marurumi kong damit para id-drop off ko na lang ito sa laundry shop sa likod ng condo namin bago ako pumasok sa shift ko mamaya sa cafe.

Tsk, kailangan ko na rin palang i-defrost 'yung ref dahil nagyeyelo na 'yung loob ng freezer ko. Naalikabukan na rin 'yung mga shelves sa taas ng kusina ko dahil wala naman akong nilalagay doon.

Andami ko pa palang kailangang gawin... magg-grocery pa ako mamaya sa baba.

Bakit kasi alas-diyes na naman ako bumangon ngayon? Eto 'yung hindi maganda kapag makapal 'yung kurtina eh. Naka-separate na nga kapag magpapalaba, pahirapan pa gumising sa umaga.

Nagv-videocall kaming lima nila Kate, Angel, Patrick, at Bea sa laptop ko kaya kahit papaano ay hindi tahimik sa loob ng unit ko. Masyado na rin kasi kaming busy para makipagkita pa kung saan-saan... maswerte na nga kami dahil nagawa naming kumain doon sa Japanese restaurant dati dahil pare-pareho kaming asa Cavite nung weekend na 'yun.

"Lagi ka na lang nauubusan ng materials."

Inasahan ko nang pumunta si Patrick sa gym kaninang umaga, kaya hindi na nakakagulat nung makita ko siyang nagvi-video sa loob ng kanyang sasakyan na naka-park sa basement ng pinupuntahan niyang mall. Naka-muscle tee lang rin si Patrick kaya kitang-kita sa video ang pinagmamalaki niyang biceps, na kung ikukumpara mo sa ibang mga gym rat ay maliit at walang kalaban-laban.

"Ang mahal rin palang maging Fine Arts major, ano?"

Hindi na rin nakauwi si Kate sa Cavite dahil may kailangan raw siyang gawin na output sa Arts subject nila mamayang hapon. Yinaya ko pa nga siya na sa cafe na lang mamaya gumawa kung paper lang naman ang kailangan nilang ipasa, pero sabi niya sa akin ay kailangang mag-practice ng grupo nila para sa performance art na gagawin nila next week.

Buti na lang pala panay paper lang ang pinapa-submit ng prof ko sa Arts.

"Bagay nga kay Bea eh. Buti nga may pera sila para makapag-pursue siya ng art degree..."

Nagulat naman ako kanina dahil nagawa pang sumama ni Angel sa videocall namin dahil alam kong busy sila lagi sa restaurant nila tuwing weekends. Yun pala, nakikitulong siya sa paggawa ng mga cake sa kusina ng restaurant nila kasama ng iba pa nilang mga pastry chef. Kanina pa nga ako nakakakita ng mga bagong luto na mga croissant sa likod ni Angel eh.

"Malalagyan ba kaagad ni Mama ng pera 'yung card ko kung tatawagan ko siya ngayon?"

Nakatalikod si Bea sa kanyang video habang may tinatapos siyang painting sa kanyang easel. Mukhang nanatili na lang muna siya sa kanyang dorm sa UST dahil hindi pamilyar sa akin ang kwarto niya. Sobrang laki kasi ng kwarto niya sa bahay nila sa Cavite, pero ngayon parang sinisiksik na lang niya lahat ng gamit niya sa isang gilid ng kwarto niya.

"Pakamalas, kung kelan naman may plano kaming mag-samgyup bukas ng mga kaklase ko..." banggit sa amin ni Bea. "Hindi pa nagsisimula 'yung sunod na linggo pero wala na kaagad akong pera, bwiset..."

"Oh, eh 'di ba nga nagka-sale last week dun sa kinukwento mong bilihan ng art supplies," sabi ko kay Bea bago ko pigain sa loob ng CR ang mop na ginagamit ko. "Hindi ka ba bumili doon?"

"Legit ba?!" gulat na gulat na tinanong ni Bea sa akin. "Ba't hindi mo kaagad sinabi sa akin?!"

"Sa sobrang busy ko, sa tingin mo ba masasabi ko kaagad 'yun sa'yo?" Tinapon ko na sa drain ang timba ng maruming tubig na ginamit ko kanina habang nagm-mop ng sahig. "Ikaw nga 'tong once a week na lang magch-chat, panay pic niyo pa ni Patrick ang sinesend mo!"

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon