Chapter Thirty-Four || Nathan

317 12 2
                                    

"Sir, ano pong grade namin?"

Kakatapos lang ng reporting namin para sa Philippine History subject namin ni Anita at nagkukumpulan kami ng mga kagrupo ko sa harapan ng lalaking prof namin. Umalis na ng classroom 'yung iba pa naming kaklase para pumunta sa sunod nilang mga klase.

Ina-adjust ng prof namin 'yung salamin niya para mabasa niya nang maayos 'yung sinulat niyang grade para sa group namin.

"I deducted two points from your group's clarity criterion since your slideshow's font size was too small..." paliwanag niya. "But then you did the extra credit I gave you... which brings your grade to 103."

Nagdiwang 'yung grupo namin dahil sobra pa sa perfect grade 'yung nakuha naming score sa reporting. Ngayon lang ako nakakuha ng ganung klaseng grade ever since mag-enroll ako sa UP.

"Sir mac-carry over po ba 'yung sobrang 3 points sa next reporting?" tanong ni Anita.

"Yes." Sinimulang niyang ligpitin 'yung laptop at projector na ginamit ng grupo namin. "Although I don't think you'll ever gonna need it."

"Thank you ulit sir!"

Umalis na kami ng mga kagrupo ko sa classroom at nagpaalam kami sa isa't isa bago kami maghiwa-hiwalay. Wala kami parehong klase ni Anita kaya naisipan kong mag-lunch kasama siya.

Halatang masaya si Anita dahil sa talbog ng kanyang mga yapak habang magkasama kaming naglalakad sa mataong hallway ng Palma Hall. 

Tuwang-tuwa siguro siya na makatanggap ng perfect na grade sa reporting namin. Kahit ako eh nagpapasalamat din na mataas 'yung grade namin para pwede pa niyang hatakin 'yung midterms at finals ko kung sakali mang mababa ako. Hindi ko kasi alam kung mataas pa rin 'yung ibibigay na grade sa akin sa major exams eh... pwede bang hiramin ko muna 'yung utak ni Anita kahit mga 30 minutes lang?

"Siya nga pala, Nathan... anong oras matatapos 'yung shift mo sa cafe?" tanong ni Anita sa akin bago kami bumaba ng stairs papunta sa first floor. "Siguro naman available ka na ng 12 midnight onwards, 'di ba?"

"Uh huh. Hatinggabi natatapos 'yung shift ko. Ba't mo naman natanong?"

"May gig kasi kami nun sa may Katipunan extension, baka pwede kang bumisita para makinood," paliwanag ni Anita. "Tsaka sabihan mo na rin 'yung mga kaibigan at kaklase mo, baka g rin sila sa mga ganoong bagay."

"Sa Katipunan extension?" pag-uulit ko ng sinabi ni Anita. "Nakakadaan ba mga motor dun?"

"Siguro naman ah. Napakaraming restaurant doon eh, imposible namang hindi sila kasama sa Grab at Foodpanda."

"Sabagay..."

" Hindi ko naman alam na nagmomotor ka pala, Nathan."

"H-Hindi...! 'Yung kaibigan ko 'yung nagmomotor," sabi ko. "Iniisip ko lang na baka hulihin kami kung bawal pala 'yung motor doon."

Nakarating na kami ni Anita sa ground floor ng building at dumiretso kami ng lakad papunta sa lobby.

Maraming mga estudyante ang nakaupo sa lapag ng lobby, 'yung iba sa kanila nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan at ka-org nila habang natutulog naman 'yung iba. May mga pusang pagala-gala sa lobby na lumalapit sa mga may dalang pagkain o di naman kaya'y nakikitabi sa mga natutulog na mga estudyante.

"So maaasahan ko ba kayo bukas ng kaibigan mo sa gig namin?" tanong ni Anita nang huminto siya sa harapan ng pintuan papalabas ng lobby. "1 am 'yung tapos ng gig namin. Pumunta kayo ah! Ipapakilala ko pa sa'yo 'yung kabanda kong single and ready to mingle."

Tinawanan ko na lang si Anita. "Oo naman, kahit naman hindi mo ipakilala sa akin 'yung kabanda mo, pupunta pa rin naman ako."

"Talaga ba? Sure 'yan ah...!" asar niya sa akin. "Ay, dito na pala ako. Kikitain ko pa 'yung isa kong kaibigan para pag-usapan 'yung gig namin bukas."

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon