Chapter Seven || Jerome

696 14 3
                                    

"Asan na kayo? Magins na kami."

Nag-aabang kami ni Anita sa may terminal ng tricycle sa Maginhawa habang naghihintay para kay nila Tristan at Tobias na mag-reply sa message ko.

Malapit nang mag-alas otso ng gabi, at buhay na buhay na naman ang kalye ng Maginhawa. Mga ganitong oras ako pumupunta sa food court at mag-busking sa harapan ng maraming tao, pero dahil may band practice kami ay mukhang wala akong maiuuwing pera kay Tita mamaya.

"Antagal naman nila..." reklamo ni Anita.

Tinamad na kami ni Anita na maglibot sa UP kaninang tanghali, kaya umuwi na muna ako sa bahay ni Tita para matulog, habang naka-idlip rin naman si Anita sa library habang nag-aantay ng susunod niyang klase.

Napahikab si Anita.

"Hay... inaantok na ako," banggit niya sa akin habang nags-stretching.

"Ano bang ginawa mo ngayong araw at parang wala ka na kaagad lakas. Napagod ka ngayong araw? May P.E. class ka ba kanina nung pagkaalis ko?"

"Hindi naman sa ganun. Inaantok na kasi ako noong last lecture namin kaninang 4 pm, tapos mahina pa boses ng prof namin kaya halos wala na rin akong naririnig sa likod. Gusto ko nang makabalik sa dorm, sa totoo lang."

"Di ka ba nakatulog nung umalis ako? Apat na oras rin yun ah."

"Nakatulog! Anlamig nga sa library kanina eh, kaya solid 'yung tulog ko. Sadyang nakakaantok lang talaga ang klase kapag 4 pm onwards, nakaka-tempt na ngang i-cut minsan kapag gusto ko na lang matulog sa dorm."

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin sumasagot sila Tristan at Tobias nang i-check ko ang message ko sa GC namin.

Sinilip ni Anita ang phone ko. "Nagreply na ba sila?"

"Hindi pa."

"Nubayan." Pinipitik na ni Anita ang kanyang mga pisngi para magising siya. "Eh kumain kaya muna tayo habang naghihintay."

"Saan naman? Sa food court?"

"May nagtitinda ba doon ng kape? Kailangan ko mag-kape kung hanggang hatinggabi practice natin."

"Hmm... parang may nadaanan akong cafe kanina nung pagkauwi ko galing ng UP." Inalala ko ang mga building na nadaanan ko kaninang tanghali pabalik sa bahay ni Tita. "Malapit sa labasan ng Maginhawa."

Nagsimula kaming maglakad ni Anita palabas ng Maginhawa hanggang sa nasa harapan na kami ng isang maliit na cafe. May nakapaskil na tarpulin sa bubong nito na may nakasulat na "The Caffeine Corner". Sumilip kami ni Anita at nakita naming halos walang tao sa loob. May higanteng lalaki na naka-bantay sa counter at nagpupunas ng mga mug habang may dalawang customer na nakikipagkwentuhan sa isa't isa.

"Masarap ba dito, Jerome?" bulong nj Anita sa akin bago kami pumasok. "Bakit parang hindi pinupuntahan ng tao?"

"Di ko pa nasusubukan dito eh."

"Bahala na nga. Kape lang rin naman."

Si Anita pa ang nagbukas ng pinto at ang unang pumasok sa loob ng cafe. Pinagtinginan naman kami ng mga tao sa loob nang tumunog ang bell na nakasabit sa pinto. Una kong napansin ang dalawang customer na nakaupo sa iisang table dahil may dala rin silang mga gitara katulad namin ni Anita — siguro ay mga musikero rin sila tulad namin.

"Welcome to The Caffeine Corner..." pagbati sa amin ng higanteng lalaki na nagbabantay sa counter; sobrang lalim ng boses niya na parang pang-matanda na. "Can I take your order?"

Nagtinginan muna kami ni Anita bago kami sumagot; pareho kasi kaming first-timer sa cafe na ito kaya hindi namin alam kung anong io-order.

"Umm... meron ba kayong... iced coffee...?"

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon