Chapter Forty-Four || Nathan

194 11 0
                                    

"Siraulo ka, Patrick... ang layo na ata natin masyado."

Nakarating na kami sa pinakamalapit na bayan sa university namin, pero tuluy-tuloy pa rin ang pagd-drive ni Patrick sa daan. Mukhang papunta na ata kami sa lugar nila dahil iba na 'yung ruta ng dinadaanan namin kumpara sa nilakbay ng jeep na sinakyan ko kaninang umaga.

"Chill lang kayo." Sinubukan kaming pakalmahin ni Patrick, pero hindi ito tumalab. Hindi ko pa rin maiwasang tumingin sa labas dahil baka kung saan na kami dalhin ni Patrick.

"Baka naman kasi ma-traffic na tayo mamaya sa pag-alis natin," banggit ni Bea na nakaupo sa tabi niya.

Napansin kong tahimik lang na nagmamasid 'yung katabi ko. Suot-suot niya ang kanyang earphones at nakatutok ang kanyang mga mata sa labas ng bintana na para bang nagse-senti siya. Maya't maya niyang tinitingnan ang kanyang phone para palitan ang kantang pinakikinggan niya — pero bukod pa doon ay hindi na umalis ang pagkatitig niya sa labas.

Gusto ko sanang makipag-usap sa kanya para mawala 'yung pagka-mahiyain niya, pero ayoko naman siyang istorbohin.

Ni hindi ko pa nga nakukuha 'yung pangalan niya eh.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko.

"Onting tiis na lang," sagot ni Patrick. "Mga... tatlong kilometro na lang."

Nagpatuloy kami sa paglalakbay hanggang sa maramdaman naming bumabagal na ang andar ng kotse hanggang sa huminto na si Patrick nang tuluyan sa harapan ng isang maliit na restaurant sa gilid ng daan. Nakasarado ang lahat ng mga bintana nito kaya hindi ko malaman kung bukas na sila.

Gawa sa naka-varnish na kahoy ang exterior nito at may nakasabit na malaking tarpulin ng menu sa kaliwang pader ng veranda. May makapal na usok na nagmumula sa mataas na chimney sa bubong dahil sa mga staff na nag-iihaw sa dalawang malalaking grill sa gilid.

"Bukas na ba sila?" tanong ko kay Patrick.

"Anong oras na ba? Nine kasi nagbubukas 'to." Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo. "Oh, five minutes na lang pala eh."

Nagulantang kaming tatlo nang biglang binuksan ni Patrick ang pintuan ng restaurant at pinapasok ang kanyang sarili kahit na wala pa kaming nakikitang waiter. Wala na kaming nagawa kundi sumunod na lang sa kanya sa loob.

Halatang magbubukas pa lang ang restaurant dahil nakapatong pa ang mga upuan sa mga lamesang pinakamalapit sa entrance, at nagsisimula pa lang na maglinis ang staff sa paligid.

Itinaas ni Patrick ang kahoy na flap ng counter para pumunta sa kusina. Sisitahin ko na sana siya kung wala pa akong narinig na tawanan mula sa likod. Ilang saglit lang ang lumipas bago muling magpakita si Patrick sa amin dala-dala ang isang mataba at kalbong lalaki na may katandaan.

"Tito, mga kaibigan ko nga pala," sabi niya bago niya inisa-isa ang mga pangalan namin. "Ito si Bea, si Nathan, at si..."

Napunta ang tingin naming lahat sa katabi ko kanina sa classroom, hinihintay na sabihin niya sa amin ang kanyang pangalan.

"Jerome."

Hay salamat, alam ko na rin kung anong pangalan niya. Mas napadali na niya ang buhay ko dahil hindi ko na kailangang tanungin sa kanya kung anong pangalan niya. Hassle lang kasi 'yung .pag-iisip kung paano ko siya lalapitan eh.

"Ang aga niyo namang pumunta dito," banggit ng tito ni Patrick. "Tapos na ba klase niyo?"

"Maaga lang po kaming pinalabas ng prof namin dahil wala pang discussion ngayong araw," sagot ni Bea. "Eleven-thirty pa ho 'yung susunod naming klase."

"Aba'y ang swerte niyo naman! Noong kapanahunan ko eh wala pang kalahating oras 'yung lunch break namin. Tapos wala pa noong kaninan sa loob ng college namin kaya sa mga karinderya lang kami kumakain."

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon