"Antayin na lang natin sila Tristan nang makapagsimula na tayo."
Nakatambay kami nila Anita, Irene, at Ton sa studio habang hinihintay namin na dumating sila Tristan at Tobias. Ineensayo na nila Anita at Ton ang Nandito Pa Rin sa mga gitara nila, habang inaayos ni Irene ang dala niyang video camera.
Nag-message kanina si Irene mga bandang alas-tres na dumiretso kaagad sa studio pagkatapos ng klase. Naisip raw niya kanina sa klase na kailangan na naming mag-upload ng mga covers sa Internet para kahit papaano'y marami-rami na rin ang fans namin kapag nakahanap na kami ng music label na magp-produce ng mga kanta namin.
"Ang bilis mo namang makahanap ng video camera," banggit ko kay Irene habang itinatayo niya ang dala niyang tripod.
"May kakilala kasi akong Film major na may magandang video camera," paliwanag niya. "Kaya ayun, hiniram ko muna ngayon total bukas pa naman niya kailangan."
Nakita naming pumasok sa loob ng studio sila Tristan at Tobias. Bitbit ni Tristan ang gitara niya sa kanyang likod habang may dalang box ng pizza at tatlong bote ng softdrinks si Tobias.
"Antagal niyo naman." Tumayo si Ton para tulungan si Tobias sa pagbitbit ng pagkain. "Kanina pa kami naghihintay para sa inyo."
"Sorry na, traffic na kasi kaagad sa Katipunan..." reklamo ni Tristan. "Halos bente minuto kaming na kaming na-stuck sa traffic, pero hindi pa kami nakakalagpas sa Regis!"
"Rush hour kasi," paliwanag ni Irene. "Kailangan pala mas maaga tayong aalis sa Thursday para sa gig natin."
"Ang bait mo naman ata ngayon." Binuksan ko ang unang box ng pepperoni pizza para kumuha ng isang slice. "Salamat sa libreng pizza ah."
"Gagamitin ko nga sanang pang-date 'yung pinambili ko niyang pizza kaso hindi naman natuloy," paliwanag ni Tristan. "Wala naman akong paggastahan ng naipon kong pera, kaya ayun. Bumili na lang ako ng pizza. At least napasaya ko pa kayo."
"Sus, makapagsabi ka naman na nag-ipon ka," asar ni Anita. "Parang hindi 5k 'yung weekly allowance mo."
"Real talk?" Nagulat si Ton. "Isang libo allowance mo kada araw?"
"Hindi ah!" depensa ni Tristan. "Nagala pa kasi ako tuwing weekends, so 5k divided by seven... mga eight hundred."
"Seven hundred, tanga..." sabi ni Irene.
"Tsaka kasama na doon 'yung ginagamit kong pang-grocery... pati na rin 'yung bill ko sa kuryente at tubig sa condo." Kumuha na rin si Tristan ng pizza. "Bakit, kayo ba?"
"Two-fifty araw-araw," sagot ni Anita. "Kasama na breakfast at dinner doon."
"One hundred," sabi ni Tobias. Wala na siyang ibang sinabi bukod doon.
"Tag-one hundred lang rin 'yung baon namin ni Ton kada araw," banggit ni Irene. "Tapos sa Area 2 na lang kami nakain ng dinner para tipid."
"Two hundred lang dati 'yung baon ko nung senior high eh," kwento ko. "Baka nga maging one-fifty na lang kung nag-aaral ako ngayong college total nasa Maginhawa naman si Tita."
Total napag-uusapan na rin lang naman namin ang pera... hingin ko na kaya 'yung 3k ko kay Tristan? Siguro naman marami pa siyang ipon para hindi niya ipagkait sa akin 'yung napagkasunduan naming bayad sa pagharana ko sa date nila nung Linggo 'di ba?
"Bayaran mo na pala 'yung 3k ko ah," utos ko kay Tristan. "Nag-guilty ako kay Tita dahil first time kong hindi umuwi na walang dalang pera. Sabi ko pa naman sa kanya, ako na bahala sa pambayad niya sa pamamalengke eh."
"Tsk, akala ko hindi mo na hihingin eh. Ipambibili ko na sana ng bagong sapatos kung hindi mo pa babanggitin." Nilabas ni Tristan ang kanyang wallet at inabutan ako ng tatlong libo. "Yan, wala na akong utang sa'yo ah."
BINABASA MO ANG
Maginhawa Nights #TheWattys2022
RomanceSi Jerome Angelo Mendoza ay isang freelance musician na napadpad sa matao at busy na Maginhawa. Kalimitan mo siyang makikita na pakalat-kalat sa mga bar at restaurant, umaasang may makukuha siyang kahit kapiranggot na pera lamang tuwing kakanta siya...