"Antagal rin nating hindi nakapag-samgyup ah."
Tinanghali na kami ng gising nila Patrick at Bea kaya late na ring nagsimula ang araw namin. Paano ba naman kasi, wala na ngang bintana sa unit ko, tinodo pa ni Bea kagabi ang aircon. Ayan tuloy, halos nakahilata lang kami buong umaga.
Plano nga talaga naming kumain ng samgyup kasama si Kate, pero kailangan pa naming iusog sa hapon ang pagkikita namin. Masakit pa rin kasi ang katawan ni Bea mula pa kagabi at kinailangan muna niyang kumain ng agahan para makainom ng gamot. Saka nga lang rin tumama ang pagod kaninang pagkagising ko, kaya nagpahid rin ako ng massage oil sa binti't braso ko bago kami umalis ni Bea.
UP Fair is life eh.
Nauna nang nakarating si Kate sa TC kaya maaga pa lang ay nakapagpa-reserve na kaagad siya ng lamesa para sa aming tatlo. Tawang-tawa pa nga siya sa itsura namin pagkarating namin ni Bea sa resto dahil halatang-halata raw sa mga mata namin ang pagod mula sa concert kagabi.
Ngayon ay nakakaapat na plato na kami ng samgyup at naghihintay lang kami na maluto ang isinalang naming karne sa grill bago kami magpatuloy sa pagkain. Nagpakuha na rin si Kate ng lettuce sa staff dahil naubos kaagad naming dalawa ang binigay sa amin na plato kanina.
"Kailan ba huli nating kumain ng samgyup?" tanong ni Bea sa amin ni Kate bago niya baliktarin ang nakasalang na piraso ng samgyup para tingnan kung luto na ito.
"Nung October. Bago 'yung birthday ni Patrick," sagot ko.
"Ah oo nga pala. Hindi rin nga pala siya sumama dun dahil birthday na niya sa susunod na linggo."
"Ba't di sumama si Patrick?" Kumuha ng tubig si Kate mula sa pitsel na nasa gilid ng lamesa.
"Ayun, tinatamad mag-buffet." Naglagay si Bea ng beef samgyup sa mangkok niya ng kanin. "Binanggit ko lang na kakain tayo sa samgyupsalan, ayaw na raw niyang sumama."
"Hala, edi paano 'yun?" tanong ni Kate. "Mag-isa lang siya sa unit mo ngayon?"
"Nag-swimming lang siya mag-isa sa pool." Kumuha rin ako ng ulam mula sa ihawan. "Todo pakita sa katawan niya kahit wala namang nasa pool area bukod sa poolboy na naglilinis."
"Oh, akala ko ba nakalimutan niyang magdala ng tuwalya?" tanong ni Bea sa akin.
"Edi pinahiram ko muna sa kanya 'yung isa kong tuwalya."
"Yuck," sabay na sinabi nila Bea at Kate.
"Bakit? Lagi naman kaming nanghihiraman ng tuwalya ni Patrick kahit nung elem pa lang!" paliwanag ko sa kanila. "Tsaka pareho naman kaming lalaki ah!"
Wala talaga kaming problema ni Patrick sa paghihiraman namin ng mga gamit. Pinahiram pa nga niya sa akin 'yung PE t-shirt niya para lang makapag-practical test ako dati nung hindi nalabhan 'yung PE uniform ko. Tapos pinahiram ko rin sa kanya 'yung jacket ko nung pumunta sila sa Tagaytay ng pamilya niya para lang may maayos siyang DP.
Di ko na nga rin mabilang kung ilang beses na kaming naghiraman ng jacket eh.
"Ba't ka nga pala hindi sumama kagabi?" tanong ni Bea kay Kate.
"Di ko naman kasi trip 'yung lineup," palusot ni Kate na natatawa. "Anong gagawin ko sa mga performers na hindi ko kilala, tutunganga?"
"Ano sa tingin mong ginawa namin kagabi, nakisigaw kasabay ng mga metal bands?"
"Tsaka nakakatamad ring pumunta kung wala ka namang kilala sa mga magp-perform," pag-amin ni Kate.
"Hello, Moonstar88?" sabi ko sa kanya. "Migraine? Oo nga pala, hindi nga pala tayo?"
BINABASA MO ANG
Maginhawa Nights #TheWattys2022
RomanceSi Jerome Angelo Mendoza ay isang freelance musician na napadpad sa matao at busy na Maginhawa. Kalimitan mo siyang makikita na pakalat-kalat sa mga bar at restaurant, umaasang may makukuha siyang kahit kapiranggot na pera lamang tuwing kakanta siya...