"Tangina mo talaga, Patrick... Nakakahiya kapag nakita nila tayo dito..."
'Yun ang mga salitang narinig ko nang idilat ko ang mga mata ko.
Tangina, oo nga pala. Nakatali pa rin ang buong braso ko kay Jerome. Pilit kong iniiwasan nang tingin si Jerome kanina habang tinatalian kami nung babae para hindi niya mahalatang namumula na ang buong mukha ko. Baka kasi mahalata niyang may gusto ako sa kanya kung makita niyang iba 'yung reaksyon ko.
Tsaka bakit parang okay lang sa kanya na nakatali kami sa isa't isa? Hindi ba siya naa-awkwardan dahil magkadikit na 'yung balikat naming dalawa? Tapos apat na oras kaming naka-ganito? Hindi ba niya napapansin na panay mag-kafling at mag-ex 'yung mga nasa loob ng classroom namin ngayon? Tapos kami lang 'yung magkadikit hanggang balikat samantalang hanggang kamay lang 'yung pagkakatali sa iba?
"Shh... 'wag kang maingay. Tulog pa ata silang dalawa kaya baka makalabas kaagad tayo dito nang hindi nila tayo napapansin."
Kinakabahan na kaya ako kanina nung pagkapasok naming dalawa... baka kasi kung ano na ang isipin nung mga kasama namin. Tsk, teammate pa naman ni Kate sa basketball 'yung dalawang babaeng nakaupo sa isang gilid. Patay ako neto kay Kate kung umabot sa kanya 'yung balitang apat na oras kaming na-stuck ni Jerome dito sa Jail Booth.
Minsan luging-lugi na ako sa kung gaano kayaman si Bea eh. Naka-two hundred na kaagad siya sa pagpapakulong niya sa amin ni Jerome dito nang apat na oras, tapos dinagdagan pa niya 'yung bayad niya para itali kami hanggang balikat.
Samantalang ako, hindi ko kayang gumastos ng mahigit isandaan para lang pagtripan silang dalawa ni Patrick.
"Shh. Gising na ata si Nathan."
"Kaya nga tumahimik ka!"
Buti na lang walang imik si Jerome kahit na sobrang awkward ng pagkakatali namin sa isa't isa. Di ko talaga gets kung bakit normal lang para sa kanya na nakadikit 'yung katawan naming dalawa. Kasi 'di ba karaniwan ng mga hinuhuli sa Jail Booth, either nahihiya o nagagalit sa kasama nila? Eh kay Jerome ang hirap hulaan kung anong nararamdaman niya eh.
Nakakakaba lang talaga yung kawalan ng reaksyon mula kay Jerome. Lalong-lalo na't kaka-realize ko lang na may gusto na pala ako sa kanya.
Pwede ko na bang i-assume na may tsansa ako sa kanya knowing na komportable na siya sa lagay namin ngayon?
"Tanga, hindi... tulog pa ata siya. Hindi ko kasi makita 'yung mukha niya nang maayos..."
Nangangawit na 'yung leeg ko dahil sa tagal ng pagkakasandal ko sa balikat ni Jerome. Hindi ako makapaniwalang nakatulog na ako at mas lalong hindi ko alam kung gaano katagal akong tulog. Ayoko namang baguhin ang pwesto ko dahil nakapatong na 'yung ulo ni Jerome sa akin at masyado nang mahimbing ang kanyang tulog para istorbohin ko pa siya.
Pinag-usapan nga pala namin kanina si Oliver bago kami makatulog. Bakit kaya ganun ang naging reaksyon ni Jerome nung nakita niya 'yung tattoo sa kamay ko?
"Silipin mo nga kung gising na siya...!"
Legit, wala naman talaga kaming ginawa ni Oliver kanina nung umalis kami. Ni hindi nga ako makatingin sa kanya nang mata sa mata dahil gusto kong iparating sa kanya na hindi ako ganun ka-interesado sa kanya. Pwede pa sana kung crush ko pa lang si Jerome ngayon eh... pwede ko pa siyang bigyan ng chance.
Pero iba na 'yung feelings ko para kay Jerome eh... para bang unti-unti nang nawawala 'yung pagka-attract ko sa iba kong mga crush dahil kay Jerome na nakatutok lahat ng atensyon ko ngayon. Imbes nga na magtago ako kanina nung bumisita 'yung crush kong chinita sa stall namin kanina, nagawa ko na siyang bentahan ng pagkain nang walang nararamdamang kilig.
BINABASA MO ANG
Maginhawa Nights #TheWattys2022
RomanceSi Jerome Angelo Mendoza ay isang freelance musician na napadpad sa matao at busy na Maginhawa. Kalimitan mo siyang makikita na pakalat-kalat sa mga bar at restaurant, umaasang may makukuha siyang kahit kapiranggot na pera lamang tuwing kakanta siya...