"Yes!"
Nabigla kami sa reaksyon nila Patrick nang binanggit ni Sir Espeleta ang pangalan ng kalaban nilang banda. Imbes na malungkot sila dahil first runner up lang ang naabot nila ay mukhang mas masaya pa sila sa naging champion sa songwriting competition.
"Bakit parang sila pa 'yung tuwang-tuwa?" tanong sa akin ni Kate. "Eh hindi naman sila 'yung nanalo?"
"Ewan ko ba," sagot ko habang pinapanood namin sila Patrick na nakikipag-kamayan sa nanalong banda. "Hindi ko rin naman alam kung anong tumatakbo sa mga isipan nila."
Napuno ng confetti ang paligid ng stage nang pumunta ang Monotone Memories sa unahan ng stage para tanggapin ang kanilang trophy. Sa kabilang dako, binigyan naman ng dalawang emcee sila Jerome ng tag-iisang bag ng tsitsirya kasama ng isang maliit na envelope na may pera bilang consolation prize.
"Andami namang iuuwi ni Jerome na pagkain," banggit ni Bea, "Parang hanggang next next month, meron siyang supply ng merienda eh."
"Inggit ka lang siguro dahil hindi mo siya mabuburaot," biro ko. "Kada subject, ibang tsitsirya ang kinakain namin sa likod habang nagdi-discuss 'yung prof."
"Manghingi na lang tayo kay Patrick," payo ni Kate. "Total dalawa rin naman 'yung sa kanya."
"Sus, para namang makakahingi tayo ng pagkain sa sobrang kadamutan niya."
"And that concludes our Songwriting Competition for this year. I hope you all had fun tonight!" banggit ng lalaking emcee habang nagse-setup sa stage ang Monotone Memories. "Once again, I am Stephen Rivera..."
"And I'm Arianne Yap," pagpapatuloy ng babaeng emcee.
"Thank you and good night!"
Nagsimula nang tumugtog sa stage ang nag-champion na banda habang isa-isa nang nagsisi-alisan ang mga manonood mula sa gym. May mga volunteer at janitor na ring naglilibot sa paligid para pulutin ang mga kalat na iniwan ng mga tao. Nakipag-usap pa sila Jerome sa mga kabilang sa judging panel bago sila umalis papunta sa backstage.
"Uy pabalik na sila sa backstage..." sabi ni Kate sa amin ni Bea. "Kunin na natin 'yung gamit sa loob."
Dali-dali kaming bumalik sa backstage habang pababa ang mga judges at emcees sa stage. Pagkabukas namin ng pinto ay bumulaga kaagad sa amin sila Patrick na naghihiyawan sa loob ng walang katao-taong backstage.
"Ang ingay niyo naman..." reklamo ni Kate kay nila Patrick na tumahimik naman kaagad nang mapansin nila kami. "Parang kayo 'yung naging champion ah. Asan si Jerome?"
"Ayun... kinakausap si Sir Espeleta," sagot ni Patrick.
"Oh shit..." Napamura si Bea sa pagkabigla. "Bakit raw? May nangyari ba? Baka kaya dahil dun sa ano niyo...?"
"Di naman siguro," sagot ni Patrick na parang hindi siya kinakabahan para kay Jerome. "Sila Nathan lang naman 'yung pinagbawalan na sumali sa kahit anong sports event this year."
Bumukas ulit ang pintuan ng backstage at nakita naming pumasok si Jerome hawak-hawak ang award na napalanunan niya kanina. Ngumiti siya nang naghiyawan kaming lahat para sa kanya.
Yinakap ulit ako ni Jerome nang mahigpit pagkakita niya sa akin. Halos mabuhat na niya ako sa ere sa sobrang tuwa niya. Kulang na lang eh iikot niya ako gaya ng ginagawa nila sa mga pelikula.
Napapadalas ang pagyakap ni Jerome sa akin, ano? Nagulat nga ako kanina nung bigla na lang niya ako yinakap habang nasa basketball courts kami kanina, tapos ngayon yinakap niya ulit ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero...
Pabayaan mo na nga. Gusto mo rin naman.
"Nuks, naman Jerome! Ang galing mo talaga, 'lam mo 'yun?!" banggit ni Bea. Yinakap niya rin si Jerome, na nagulat nang bigla siyang hinila ni Bea. "Proud na proud talaga kami para sa'yo!"
BINABASA MO ANG
Maginhawa Nights #TheWattys2022
RomanceSi Jerome Angelo Mendoza ay isang freelance musician na napadpad sa matao at busy na Maginhawa. Kalimitan mo siyang makikita na pakalat-kalat sa mga bar at restaurant, umaasang may makukuha siyang kahit kapiranggot na pera lamang tuwing kakanta siya...