Chapter Eighty-Four || Nathan

117 12 0
                                    

"Nathan, saglit!"

Kakatapos lang ng klase namin sa Philippine History kaya naisipan ko nang umalis kaagad ng AS para makahanap ng makakainan. Nagmamadali na nga ako dahil ang ingay-ingay na nga mga estudyante sa labas ng classroom pero hindi pa kami pinapalabas ng prof namin. Pinag-iisipan ko na nga kanina kung saan ko balak kumain habang nagp-present pa sa unahan 'yung mga kaklase namin para mabilis na akong makakapunta doon... pero mukhang matatagalan pa ata ako bago ako makakain ng tanghalian ngayon.

Tinanggal ko kaagad ang earphones mula sa tenga ko nang may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Huminto rin ako sa paglalakad sa hallway ng ikatlong palapag ng Palma Hall para lingunin ang pinanggalingan ng boses. Napansin kong matulin na naglalakad si Anita papunta sa akin, bitbit-bitbit ang gitara sa kanyang balikat habang sinasabayan ang paglalakad ng ibang mga estudyante sa paligid niya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang nasa tabi ko na si Anita.

"Oh... sabay ba tayo ulit kakain ngayon?" nahihiya kong tanong kay Anita.

Naa-awkwardan pa kasi ako sa kanya pagkatapos ng nangyari nung Sabado sa Route 196. Sa sobrang gulat ko nung nakita ko na ulit si Jerome sa personal, hindi ko na nagawang tapusin 'yung set ng banda nila dahil umalis kaagad kami ni Joaquin.

Siyempre, hindi ko naman mapigilang isipin kung anong sasabihin ni Anita sa akin sa susunod na beses na magkikita kaming dalawa. Kinakabahan na nga ako kagabi nung shift namin ni Joaquin sa cafe eh... baka kasi magalit si Anita sa akin dahil napakabastos ng ginawa ko habang kalagitnaan ng kanta nila. Hindi ko nga siya masyadong kinakausap kanina kahit pa magkatabi kami dahil dun.

Mukhang ngayon ko na malalaman kung anong tingin ni Anita sa ginawa ko nung Sabado.

"Bakit hindi?" tanong niya sa akin. "Saan mo ba gustong kumain?"

"Hindi ko nga alam eh..." pag-amin ko sa kanya bago kami bumaba ng hagdanan. "Iniisip ko nga kanina na sa NISMED na lang ulit tayo kumain pero mukhang marami na ring tao dun ngayon."

"Pwede namang sa gilid na lang tayo ng AS kumain," banggit ni Anita. "Panay takeout naman 'yung mga ino-order ng mga nabili dun kaya mas madadalian tayong makakuha ng upuan dun. Ano, g ka ba dun?"

"Sige... kakain na lang siguro ako sa canteen namin sa Math bago 'yung shift ko mamaya sa cafe."

"Okay, so okay lang na pansit canton lang ang lunch mo ngayon?"

"Oo naman."

"Hindi ka galit sa akin?"

"H-Huh?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Anita. "B-Ba't naman ako magagalit sa'yo... eh akala ko nga ikaw 'tong parang galit sa akin kanina eh!"

"Siyempre pagkatapos ba naman nung nangyari sa Route 196 eh... akala ko hindi mo na ako papansinin dahil kay Jerome," paliwanag niya. "Tsaka paano mo naman nasabi na galit ako sa'yo?"

"E-Eh kasi hindi ka ganun kaingay kanina gaya nung dati..." palusot ko. "Kaya akala ko hindi mo rin ako pinapansin."

"Oy, hindi ah! Marami lang akong iniisip kanina kaya nananahimik ako sa likod!"

"Seryoso ba?"

"Oo nga! Nubayan... tara na nga. Pareho lang tayong overthinker eh."

Sabay kaming natawa ni Anita bago kami magpatuloy sa paglalakad pababa sa lobby ng Palma Hall.


***


"Anong nangyari sa inyo dati ni Jerome?"

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon