"Napapadalas pagkikita natin ah."
Isang panibagong gabi na naman ang dumating kaya narito ako ngayon sa food court para tumugtog. Kahit papaano'y na-miss ko ring tumugtog sa harapan ng mga taong kumakain dito. Ilang araw na kasi akong nakatambay lang sa bahay buong gabi. Nangangati na tuloy humawak ng strings ng gitara ang mga daliri ko.
Mag-aalas otso na nang mamataan ko si Kate mula sa dami ng tao. Kahit pa siksikan sa food court ay madali ko siyang nahanap dahil sa taas ng pagkakatali niya sa kanyang ponytail.
Buti 'di siya naglalagas ng buhok.
"Napapadalas rin kasi pagbisita mo dito sa Maginhawa," sagot ko kay Kate bago ako kumuha ng upuan na kaharap niya sa lamesa. "Lagi naman akong pumupunta dito sa food court na 'to."
"Sorry naman...!" Napangiti na lang si Kate habang nagpipiga ng kalamansi sa kanyang sisig. "'Di ko lang talaga alam kung anong ihahapunan ko sa Area 2. Tsaka mas gusto ko 'yung vibe dito, 'di ramdam 'yung pagod sa pag-aaral."
"Kamusta ba course mo?"
Mas lalo lang natawa si Kate nang tanungin ko siya nito.
"Takot ako bigla!" banggit niya sa akin. "Katunog mo si Papa nung sinabi mo 'yun."
"A-Ah, sorry..." nahihiya kong sinabi sa kanya. "Kinabahan ka ba?"
"Napaisip tuloy ako kung anong sasabihin sa kanya..." Nagsisimula nang mag-alala si Kate. "Sabi ni Papa tatawagan raw niya ako ngayong weekend para itanong mga naging score ko sa exam."
"Eh kamusta naman ba mga score mo?"
Bumuntong-hininga na lang si Kate. Mukhang maling desisyon ata ang tanungin siya tungkol dun.
"Okay naman..." sagot niya nang may pag-aalinlangan sa kanyang boses. "Medyo mababa, pero expected naman. Sana nag-assume na lang ako ng worst case scenario para 'di ako nadidismaya ngayon."
"Okay lang 'yan." Ngumiti ako para subukang pagaanin ang nararamdaman niya. "Ang mahala binigay mo lahat ng makakaya mo."
Ilalagay na sana ni Kate sa bibig niya ang kanyang kutsara, ngunit napatigil siya't napangiti.
"Buti ka pa, alam kung anong sasabihin kapag nahihirapan na akong mag-aral." Tumingin si Kate sa kanyang kaliwa na para bang may sumagi sa kanyang isipan. "Sila Mama kasi, mas pinapalala lang nila 'yung pagiging grade conscious ko."
Nanahimik na lang ako. Hindi na rin kasi bago para sa akin ang mga pressured ng mga magulang na maging magaling tulad ni Kate.
Palibhasa ganun rin si Ton eh.
Akala ko malala na 'yung pag-pressure ni Papa sa akin na maging mataas ang grade, pero mas malala pa pala 'yung lagay ni Ton. Hindi lang dahil may maintaining grade 'yung scholarship niya, pero mabigat rin pati 'yung expectations ng mga magulang niya para sa kanya.
Kwento ni Irene, mahirap raw 'yung course na kinuha ni Ton sa engineering kaya hindi siya pwedeng magpapetiks-petiks lang. Nasanay na raw kasi tatay ni Ton na laging matataas grades niya noong high school, kaya palagi raw nadidismaya mga magulang ni Ton kung hindi nagsisimula sa uno 'yung GWA niya kada sem.
Samantalang sina Anita at Tristan, halos magsisitalon na sa tuwa kapag may nakuha silang grade na mas mataas sa dos.
Pero teka... kung magkasing-talino lang sina Nathan at Kate, mukhang mababa rin mga score ni Nathan sa exam. Baka 'di ko lang alam na ikinalulungkot rin niya 'yung resulta niya sa test, at wala man lang akong magawa para sa kanya. Hindi ko naman pwedeng pabayaan na nagluluksa siya nang mag-isa, 'di ba?
Matanong nga si Kate.
"Pareho lang naman kayo ng kinuhang subjects ngayon ni Nathan, 'di ba?"
Nabigla si Kate nang banggitin ko ang pangalan ni Nathan, pero kaagad rin naman siyang nakasagot.
BINABASA MO ANG
Maginhawa Nights #TheWattys2022
RomanceSi Jerome Angelo Mendoza ay isang freelance musician na napadpad sa matao at busy na Maginhawa. Kalimitan mo siyang makikita na pakalat-kalat sa mga bar at restaurant, umaasang may makukuha siyang kahit kapiranggot na pera lamang tuwing kakanta siya...