Chapter One Hundred and Six || Nathan

131 11 2
                                    

"nakauwi na ako"

Tumambay muna ako sa mga batong upuan malapit sa entrance ng Math building habang nag-aantay para sa susunod kong klase. Pasok-labas naman ang mga estudyante sa main gate ng building habang palapit na nang palapit ang ala-una ng hapon. Nasa kaliwa ko ang dalawang estudyanteng nag-takeout na lamang ng pagkain sa cafeteria at dito na lang nananghalian dahil sa sobrang dami ng tao na kumakain doon nang ganitong oras.

Nararamdaman ko na ang antok ngayong siesta na't busog na busog ako sa kinain namin ni Jerome kanina. Tapos nakakalusaw pa ng utak 'yung init ng panahon kaya nakakatamad nang mag-isip.

Kung meron lang sapat na espasyo sa inuupuan ko ngayon eh kanina pa ako nakahiga.

Teka, hindi ko pa pala nakaka-reply sa message ni Jerome.

"ambilis mo naman"

"nag-trike ka na ba pabalik sa bahay niyo?"

"oo haha"

"sakto kasing may binabang pasahero kanina
sa bukana ng maginhawa kaya sumakay na
lang ako para mas mabilis"

"magbibihis na ako ng damit para makatulog
na kaagad ako haha"

"buti ka pa pwede nang matulog"

"parang gusto ko na lang magcut para
umidlip muna bago shift ko mamaya"

"wag kang magcutting"

"masama yan hahaha"

"Huy! Anong ngini-ngiti mo diyan?!"

Halos mabitawan ko na ang hawak kong cellphone nang narinig ko ang malakas na boses ni Kate. Tumingala ako para makita na nakatayo na siya sa harapan ko.

May klase pala si Kate sa major ng 11:30? Bakit parang ngayon ko pa lang siya nakitang palabas ng Math building? Bitbit pa nga niya ang ginagamit niyang notebook para magsulat ng notes... mukha ngang kakatapos lang ng klase niya't didiretso na siya sa cafeteria para mananghalian.

"Oh. May klase ka pala sa major ngayon?" tanong ko kay Kate bago siya umupo sa tabi ko. "Akala ko bukas pa?"

"Hindi ba nga pareho 'yung prof nating dalawa tapos magkasunod pa 'yung klase natin sa kanya?" paliwanag niya. "Gulat na gulat ka pa nga nung pinakita ko sa'yo 'yung sched ko ngayong term!"

"Huh? Hindi ba last term 'yun?"

"Pang-matanda na 'yung memorya mo..." Itinaas ni Kate ang kanyang mga paa sa bench at isinandal ang likod niya sa balikat ko. "Wag ka nang pumasok, absent siya ngayon."

"Legit?" Kumunot ang noo ko sa inis.

"Kakabukas ko lang ng e-mail ko kanina, mga ten minutes bago mag-11:30, may pinuntahan raw siyang conference ngayon at wala siyang nakuha na substitute kaya free cut."

"Kagabi ko pa huling binuksan e-mail ko eh..." Binuksan ko ang e-mail app sa phone ko at tumambad sa akin ang e-mail ng prof ko kaninang alas-nwebe ng umaga, kung kailan nasa kalagitnaan ako ng klase. "Tsk, eto na huli kong klase ngayon eh! Sana pala dumiretso na ako sa unit kung alam ko lang na walang pasok ngayon..."

"Half-day lang rin ako ngayon," banggit ni Kate sa akin nang nakangiti. "You know what that means..."

Dalawang beses itinaas ni Kate ang kanyang mga kilay sa akin na para bang may gusto siyang iparating. Nakuha ko na kaagad ang gusto niyang sabihin sa akin wala pang limang segundo ang nakakalipas.

"Ay, nako!"


***

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon