Chapter Two || Nathan

896 20 6
                                    

"Isang order nga ng iced latte na large..."

My name is Nathaniel James San Jose, pero Nathan na lang ang tinatawag sa akin ng mga kaibigan ko. Freshman student ako ngayon sa UP Diliman, at BS Mathematics ang aking course.

Galing pa akong Cavite, pero may sarili akong condominium unit sa Katipunan. Pero kahit panay mga taga-Ateneo ang nakatira sa condo ay hindi ko masasabi na mayaman ako. Si Papa kasi 'yung totoong may-ari ng unit dahil dati siyang professor sa Ateneo. Minana ko lang sa kanya 'yung unit.

Pero kahit na pang-mayaman ang tirahan ko ay may mga part-time job pa rin ako sa isang cafe dito sa Maginhawa — ang The Caffeine's Corner. Sabi kasi nila Papa, kailangan ko nang matutong mamuhay mag-isa... natutunan ko nang maglinis, magpalaba ng damit, at magluto ng sarili kong ulam. Pero hindi ko naisip na kasama rin pala ang pagtatrabaho at pagbabayad ng bill ng kuryente at tubig gamit ang sarili kong pera.

Minsan, kapag hindi pa ako nakakapag-breakfast, ay kakain muna ako sa mga tindahan ng mga street food at meryenda na nagkalat sa campus. Halos late na rin kasi ako nagigising lagi sa umaga; buti na lang pala walking distance lang mula sa condo ang building ng first class ko kaya hindi pa ako nale-late.

Maswerte ako dahil maayos ang nagawa kong schedule at hanggang 2 p.m. ang lahat ng klase ko. Magpapahinga muna ako ng ilang minuto sa campus bago ako mag-jeep palabas ng UP, saka ako maglalakad papunta sa cafe na pinagtatrabahuhan ko sa Maginhawa. Malayo na kasi masyado 'yung building ng last class ko sa gate ng campus na pinakamalapit sa Maginhawa na hindi ko na kaya itong lakarin nang buo.

Pangalawang semester ko na dito sa UP, at nakapag-adjust na rin ako kahit papaano sa kung gaano kahirap ang mag-aral dito kumpara noong high-school. To be honest, halos hindi ko nga inaasahan na makakapasok ako sa UP noong una.. Lagi kong naiisip na hindi ko deserve na mapunta dito... kasi parang antalino ng lahat ng mga estudyante dito. Feeling ko kapag dumikit ako sa mga matatalino na estudyante, imbes na tumalino rin ako ay mas lalo pa akong nagmumukhang bobo.

"Excuse me? Naririnig mo ba ako?"

Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na may customer na pala sa harapan ko at kanina pa ako nakatitig sa kanya. May mga tao na ring nakapila sa likod nung babae, nag-aantay na makuha ko ang order ng babaeng nasa harapan nila.

Nang nakabalik na ako sa katinuan ay tinanong ko sa kanya ang kanyang order.

"Umm... S-Sorry po. Pwede po bang paki-repeat ng order niyo?"

Nakakahiya ka talaga, Nathan! Ayusin mo naman ang sarili mo! Hindi mo kayang i-afford na mawala itong trabahong ito!

"I said... I want a large iced latte, please."

"Right away po."

Nagmadali akong kumuha ng malaking baso upang ihanda ang order. Naghalo rin ako ng kape at gatas sa isang cocktail shaker kasama ng ilang piraso ng ice cubes at saka inalog-alog ito. Pagkatapos ng isang buong minuto ng walang tigil na pag-aalog sa cocktail shaker ay inilagay ko na kaagd ang inumin sa nakahandang baso bago ito iserve sa customer.

"Bale 85 pesos po," sabi ko.

Naglabas ang babae ng isang one hundred peso bill mula sa kanyang clutch at iniabot ito sa akin. Binuksan ko naman ang register para ilagay ang pera sa loob at kumuha ng panukli. Ibinigay ko na sa customer ang tatlong five peso coins, na kanya namang ihinulog lahat sa tips jar sa harapan ko.

Whew. Buti na lang at wala ang boss namin ngayon dito kundi nasermonan na naman ako. Nakakatakot pa naman 'yung mamang 'yun.

"Nathan, wala ka na naman sa sarili mo."

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon