"Ba't ngayon ka na nagbubukas ng regalo?"
Kakatapos lang ng program ng debut kaya nagsisiuwian na ang mga bisita ni Angel. Halos wala nang natira sa venue bukod sa mga
kaklase naming nag-iinuman sa isang tabi at 'yung mga staff na naglilinis sa paligid. Panay mga sikat na kanta na lamang ang pinapatugtog ng DJ sa speakers di tulad kanina na panay orchestral na background music ang naririnig namin.
Magkakasama kami nila Bea at Kate na kumakain ng cake habang pinapanood namin si Angel na naghahalungkat sa kanyang mga regalong nakatambak sa gilid ng stage. Naubos na ni Bea ang kalahati ng mga cupcakes ni Angel kanina kaya ang cake naman niya ang nilantakan namin ngayon.
Parang gusto ko na rin magdebut dahil sobrang nakakainggit ang dami ng regalo ni Angel. Para kasing may regalo para sa kanya ang lahat ng mga bisitang dumalo sa debut niya sa sobrang dami ng natanggap niya... tapos malalaki pa 'yung ibang mga kaho sa pinakababa ng gift pile na parang may nagregalo sa kanya ng maliliit na appliances.
Bakit kasi walang debut para sa mga lalaki?
"Magkakalat lang kasi ako sa bahay kung bukas ng umaga ko pa bubuksan 'yung mga regalo ko," paliwanag ni Angel. Binuhat niya ang kanyang gown para makahakbang siya palapit sa iba niyang mga regalo. "Asan 'yung mga regalo niyo?"
"Pinatong ko kanina 'yung regalo ko kasama nung kay Patrick..." sagot ni Bea bago siya kumuha ng isa pang slice ng cake. "Nathan, tulungan mo na nga si Angel. Kulay violet na box 'yung akin!"
"Nakalimutan ko na kung saan ko nilagay 'yung akin..." banggit ni Kate bago niya simulang hanapin ang regalo niya sa gift pile. "Ang liit pa naman nun..."
Tinulungan ko na silang dalawa sa paghahalungkat ng mga regalo habang hinahanap ko rin ang mga regalo namin ni Jerome para kay Angel. Una kong nakita ang regalo ni Bea na isang kahon na pa-cube ang hugis at nakabalot sa kulay violet na glitter paper. Nasa baba nito ang isang pahabang kahon na kulay itim at may nakataling kulay ginto na ribbon sa palibot nito.
"Eto ba, Bea?" Tinaas ko sa ere ang dalawang kahon para ipakita ang mga ito sa kanya. "T-Teka, ang bigat naman nung kay Patrick..."
"Asan?" Napalingon rin si Angel. "Ayan, buksan na natin..."
"Paano napunta sa lapag 'yung sa akin?" tanong ni Kate bago niya pulutin sa sahig ang isang maliit na kahon na nakabalot sa papel na may red at green na stripes. "Tsk, nahulog siguro kanina..."
"Pang-Pasko ba 'yang gift wrap na pinambalot mo?" natatawa kong tanong kay Kate habang patuloy kong hinahanap ang regalo ko.
"Wala na kasi kaming ibang pambalot sa bahay!" palusot ni Kate na natatawa na rin sa itsura ng kanyang regalo. "Akala ko kasi may metallic foil pa ako na natira dati nung project natin sa Arts kaya hindi ko na pinabalot sa mall—"
"Teka, Nathan... nandito ata 'yung sa inyo ni Jerome..." banggit ni Angel.
Lumapit ako sa kanya para abutin ang dalawang regalo sa pinakadulo.
Nakapatong sa regalo ko ang paper bag na dala ni Jerome kanina pagkarating namin sa venue. Hindi ko nagawang tanungin sa kanya kanina sa kotse kung anong regalo niya para kay Angel kaya hindi ko alam kung anong laman ng kanyang paper bag. Pero sobrang gaan lang nung paper bag kaya mukhang damit 'yung nasa loob.
Bumalik na kaming tatlo nila Kate at Angel para isa-isang tingnan ang mga regalo namin para sa debutante.
"Unahin na natin 'yung sa inyo, Nathan..." sabi ni Angel.
Binigay ko sa kanya ang regalo namin ni Jerome at nag-antay ng kanyang reaksyon habang binubuksan niya ang regalo ko.
Tama nga ang hula ko kanina... makeup palette nga ang binili ni Papa para kay Angel. Tuwang-tuwa naman si Angel habang pinagmamasdan niya ang regalo ko.
BINABASA MO ANG
Maginhawa Nights #TheWattys2022
RomanceSi Jerome Angelo Mendoza ay isang freelance musician na napadpad sa matao at busy na Maginhawa. Kalimitan mo siyang makikita na pakalat-kalat sa mga bar at restaurant, umaasang may makukuha siyang kahit kapiranggot na pera lamang tuwing kakanta siya...