"Mahal pa rin kita, oh giliw ko!"
Sa pagtama ni Irene sa huling nota ng kanta, huminto na sa pagsasayaw ang dalawang magkasintahan na kinakantahan ko. Nakangiti sila habang nakatitig sa mga mata ng bawat isa, at nang yakapin ng lalaki ang babae ay nagsipalakpakan ang lahat ng tao sa paligid. May narinig pa nga akong hiyawan mula sa mga matatandang lalaki mula sa kabilang dulo ng kwarto.
"Aww... ang sweet naman nila, right guys?!"
Bumalik na ang lahat sa kani-kanilang upuan nang magsalita na ulit ang dalawang emcee, pinag-uusapan kung gaano nakakakilig ang napanood nilang sayaw. May binanggit rin ata silang donation drive para sa mga nakikitirang estudyante sa loob ng campus...? Hindi na ako sigurado sa narinig ko dahil masyado nang malakas ang pinapatugtog nilang EDM sa speakers.
"Eto na ata 'yung pinaka-memorable na gig na napuntahan ko," biro ni Irene sa akin habang naglalakad kami pabalik sa aming lamesa. "Parang nakakita na ako ng bonggang wedding proposal sa mall."
Wala sila Tobias at Tristan sa kanilang upuan... nakita ko na lang sila na naglalakad papunta sa gilid ng stage kung nasaan ang mga gamit naming lahat. May pinapanood naman sila Tristan at Anita sa cellphone ni Ton nang madatnan namin sila.
"Ano 'yan?" tanong ni Irene sa kanilang dalawa bago umupo sa tabi ni Ton para silipin ang kanilang pinapanood.
"Wala... vinideohan ko lang kayong dalawa," paliwanag ni Ton. "Upload ko sa YouTube channel natin kung maayos 'yung quality."
"Talaga ba?" mapang-asar na tinanong ni Anita sa kanya. "Eh ba't parang kay Irene nakatutok 'yung video?"
Natawa na lang si Ton nang titigan siya ni Irene para tanungin siya kung totoo ang sinabi ni Anita.
"Guilty..." biro ni Irene sa kanyang boyfriend bago siya tumawa.
Ginutom ako matapos ang pagkanta namin kanina kaya naisipan kong kumuha muna ng pagkain total tapos ko na naman halos karamihan ng naensayo kong kanta. Pupunta na sana ako sa dessert bar para kausapin si Nathan, pero nagulat ako sa aking nakita.
Abandonado na ang kanyang pwesto.
Lumapit ako sa catering staff sa katabing buffet table para tanungin kung nakita niya ang nagbabantay sa dessert bar, ngunit hindi na raw niya napansin kung saan pumunta si Nathan. Hinintay ko pa siya dahil baka pumunta lang siya sa CR... ngunit nang nagsimula na sina Tristan sa pagtugtog, hindi pa rin siya nakakabalik.
Bumalik ako sa lamesa namin para magtanong kung napansin nila kung saan pumunta si Nathan.
"Nakita niyo ba si Nathan?" tanong ko kay nila Anita na pinapanood pa rin ang video recording namin ni Irene sa phone ni Ton. "Nasa isang tabi lang siya kanina ah..."
"Kausap ko lang siya kanina ah..." Lumingon rin si Anita sa pwesto ni Nathan. "Baka naman nag-CR?"
Lalabas na sana ako para tingnan kung nasa CR si Nathan, pero dumaan sa gilid ko si Diane na para bang may hinahanap.
"D-Diane...!" Hinarangan ko na kaagad siya bago pa siya makaalis. "Nakita mo ba si Nathan?"
"Nasa labas ata siya..." Mukhang hindi rin sigurado si Diane. "I think I saw him going outside kanina eh. Maybe he went out to get some fresh air."
"Eto na 'yung hinihintay mo, Jerome!"
Mukhang narinig ni Anita ang pag-uusap naming dalawa ni Diane. Lumingon kami sa kanya sa gulat, ngunit pare-pareho lang kaming walang kaalam-alam sa kung anong tinutukoy ni Anita.
"H-Huh?" tanong ko sa kanya.
"Sus. Pa-inosente ka pa eh..."
Nakita kong ngumiti si Irene kaya mukhang na-gets na niya ang sinasabi ni Anita.
BINABASA MO ANG
Maginhawa Nights #TheWattys2022
RomanceSi Jerome Angelo Mendoza ay isang freelance musician na napadpad sa matao at busy na Maginhawa. Kalimitan mo siyang makikita na pakalat-kalat sa mga bar at restaurant, umaasang may makukuha siyang kahit kapiranggot na pera lamang tuwing kakanta siya...