Chapter Seventy-Three || Jerome

128 10 1
                                    

"Grabe... Naparami na naman ako ng kain ngayon..."

Nakarating kami ni Nathan sa debut ni Angel ilang minuto lamang bago magsimula ang program. Nahirapan na kaming hanapin ang table namin dahil sa sobrang dami ng tao sa loob ng venue. Binalak ko pa nga sanang hanapin sila Patrick at Bea para makita namin kaagad kung saan kami dapat nakaupo ni Nathan kaso nakalimutan ko namang masquerade party nga pala 'tong pinuntahan namin.

Napakaimposible nang hanapin sila Bea at Patrick at wala akong mamukhaang kaklase namin ni isa dahil sa mga maskarang nakatakip sa mga mukha ng bawat bisita sa debut ni Angel. Kinailangan pang i-text ni Nathan si Kate para malaman namin kung saang table number kami nakapwesto.

Matapos ang ilang mga round ng party games habang naghihintay na makarating ang debutante kasama ng kanyang tatay ay nasa kasagsagan na kami ngayon ng hapunan. Pinagsasaluhan na namin ang masasarap na putaheng niluto ng mga chef sa restaurant ng pamilya ni Angel.

Pero mukhang may isa nang hindi na nag-eenjoy sa pagkain.

"Pahirapan na naman workout ko neto bukas..." reklamo ni Kate habang iniikot ang pasta niya sa kanyang tinidor. "Bakit kasi ang sarap ng luto nila Bea? Napaparami tuloy kain ko ngayon."

May suot si Kate na kulay itim na dress na umaabot sa baba ng kanyang tuhod. Halos 'di ko na nga siya mamukhaan kanina dahil nakakulot ngayon ang kanyang buhok kumpara sa palagian niyang pagpo-ponytail. Nakakuha siya kanina ng kulay itim na maskara sa reception area na walang kadise-disenyo katulad ng pinili ko kanina para sa sarili ko.

"Okay lang 'yan, Kate... gawin mo na lang cheat day 'tong araw na 'to," banggit ni Patrick na kaharap ko.

Di tulad ni Kate ay nakikita ko nang buo ang mukha ni Patrick dahil imbes na maskara ay salamin na may bilog na frame ang suot-suot niya. Tulad ko ay kulay itim rin ang suot niyang long sleeves na maingat na nakatupi hanggang sa kanyang siko. Nakatali naman nang maayos ang kanyang buhok sa likod ng kanyang ulo. Mukhang nagustuhan ata niya 'yung atensyon na nakuha niya mula sa ibang tao noong songwriting competition.

"Nakapag-cheat day na ako nung nag-Mang Inasal kami ni Nathan nung isang araw," paliwanag ni Kate. "Mukhang wala na akong cheat day sa susunod na linggo..."

"Mags-summer na nga rin pala, ano?" banggit ni Bea na nakaupo sa tabi ni Patrick. "Tsk, kailangan ko na rin atang mag-workout kung gusto kong magkaroon ng summer bod."

Kulay pula naman ang suot na dress ni Bea. Kumikinang-kinang ito kaya mukhang gawa sa mamahaling brand ng damit 'yung suot niya — baka nga nagpatahi pa talaga si Bea para lang may maisuot siya ngayon sa debut. Walang naman siyang binago sa estilo ng kanyang buhok, pero bumawi naman siya sa pinili niyang kulay puting maskara na may nakasabit na pulang mga feather sa magkabilang gilid nito.

"Feeling ko nga rin tumataba na ako eh..." Pinisil-pisil ni Nathan ang tiyan niya. "Tsk, sa training na nga lang natutunaw 'yung taba ko eh."

Maliban sa kulay puti niyang long sleeves ay may suot ring itim na coat si Nathan. Wala ring kadise-disenyo ang kulay puti niyang maskara, na ilang beses na niyang tinatanggal dahil medyo malaki ito para sa kanya.

"Wala ka namang bilbil ah," sabi ko kay Nathan. "Wala kang dapat ipag-alala."

"Narinig mo ba 'yun, Nathan? Sexy ka na raw para kay Jerome," biro ni Bea.

Pansamantalang huminto si Nathan sa kanyang pagkain para panoorin sila Patrick at Kate na pinipigilan ang kanilang mga tawa. Tumalikod na lang si Patrick sa amin at nagkunwaring naglalaro sa kanyang cellphone para hindi makita ni Nathan ang kanyang ngiti.

"Tama ba ako, Jerome?" tanong sa akin ni Bea bago niya kagatan ang hiwa ng garlic bread sa kanyang pinggan.

"O-Oo naman." Tumingin ako kay Nathan para tingnan siya sa mata. "Hindi naman ako nagbibiro eh..."

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon