Chapter Fifty-Two || Nathan

163 9 0
                                    

"Bakit parang ang onti naman ata natin ngayon?"

Nagpatawag 'yung team captain namin ng practice ngayong alas-singko, pero hanggang ngayon ay wala pa 'yung iba naming mga members. Aapat lang kaming lalaki na nasa gitna ng gym at mukhang wala nang balak magpakita 'yung mga babae naming miyembro.

"Hindi ko alam kung saan pumunta sila Erika," banggit ng team captain namin. "Di ko sila matawagan kanina eh, 'di rin sila nasagot sa mga text ko."

"Baka naman busy," sagot ng isa sa kasamahan namin. "Kakabukas lang ng tutorial sessions sa Physics kahapon, 'di ba?"

"Mukhang pumunta nga sila dun. Nabanggit ni Erika sa akin na medyo tagilid 'yung grade niya sa Physics last sem eh."

Tinapos na ng team captain namin ang pags-stretching namin at pinaghiwalay na kami sa dalawang magkapares. Nagsama 'yung dalawa pa naming kasamahan sa isang court samantalang nakapareha ko naman ang team captain namin.

Kinakabahan talaga ako sa tuwing makakalaro ko siya dahil lagi niyang tinotodo ang kanyang pagtira para ipahabol sa amin 'yung shuttlecock hanggang sa dulo ng court. Mas pinipili ko na nga lang na hayaang tumama sa lapag 'yung shuttlecock dahil tinatamad na akong habulin pa ito sa dulo ng court.

Minsan iniisip ko na baka gusto lang niya iparating sa amin na siya ang pinakamagaling sa aming lahat.

Itinayo na naming dalawa ang net na ginagamit ng team namin at pumuwesto sa magkabilang bahagi ng court. Tinago ko muna ang mga shoelace ng sapatos ko sa loob dahil sa takot na baka maapakan ko na naman sila at matumba tulad ng nangyari sa akin dati.

"Ready ka na ba, Nathan?" mapanghamon na tanong niya sa akin.

Napalunok na lang ako nang may nilabas na siyang shuttlecock mula sa bulsa ng kanyang shorts. Umatras kaagad ako sa gitna para madali kong mahahabol 'yung shuttlecock kahit saan pa ito papuntahin ng team captain namin.

At gaya nga ng inaasahan ko, nilakasan niya ang pag-serve at kinailangan ko pang tumakbo para lang mahabol 'yung shuttlecock. Pumuwesto kaagad ako bago pa ito tuluyang mahulog sa sahig at hinampas ito pabalik sa kabilang dulo ng court.

"Aba... gumagaling ka na Nathan ah," biro ng team captain namin bago niya ni-receive ang tira ko nang walang kaeffort-effort. "Tingnan nga natin kung gaano kabilis ang paa mo..."

Sinimulang bilisan ng team captain namin ang pagr-receive kaya walang-pigil ang pagtakbo ko sa court. Kahit ano talagang ibigay ko na effort ay kaagad lang niyang ibinabalik sa akin ang shuttlecock. Ni hindi ko nga siya napapansin na naghahabol eh — laging papunta sa gilid ang lakad niya sa tuwing magre-receive siya.

Dumating sa punto na kinailangan kong pumunta sa dulo ng court para lang mahabol ang tira niya at ngayon naman ay pababa ang kanyang tira hanggang sa tuluyan na ngang nahulog ang shuttlecock sa sahig.

"Oh, anong nangyari, Nathan?" pang-aasar niya. "Pagod ka na ba kaagad?"

"A-Andaya naman kasi!" reklamo ko. "Chill ka lang!"

"Ayusin mo naman 'yung laro mo, Nathan!"

Napalingon ako nang marinig ko ang sigaw ni Patrick mula sa kabilang dulo ng gym, sa parte ng bleachers na pinakamalapit sa pintuan.

"Pinagsasabihan ka na rin pati ng mga kaibigan mo."

Hindi na lang ako nagsalita at pinulot kaagad ang nahulog na shuttlecock. Habang hindi nakatingin ang kalaban ko ay hinampas ko kaagad ang shuttlecock papunta sa kabilang court. Natawa naman ako nang napatakbo paatras ang team captain namin para saluhin ang shuttlecock.

"Loko ka ah," sigaw niya bago siya pumalo. "Lagot ka sa akin mamaya."

Siya naman ang pinaglaruan ko ngayon — pinapapunta ko lagi 'yung shuttlecock sa bandang dulo para mapilitan rin siyang maghabol tulad ng ginagawa ko kanina — hanggang sa binalikan niya ako matapos ang ilang minuto na hindi nahuhulog sa lupa 'yung shuttlecock.

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon