CHAPTER 50

181 11 0
                                    

CHAPTER 50
The Calm Before the Storm

ILANG araw na ang lumipas mula nang makabalik kami sa Academy. Hanggang ngayon ay wala pa rin sila Papa dahil hindi pa sila natatapos sa training ni Kuya.

Bukod pa roon ay ilang araw na ring tahimik ang Academy. Hindi ko na muling nakita si Chiteki at si Tito Reon sa mga nagdaang araw. Baka may mission na ipinagawa si Mama kay Tito Reon o di kaya ay bumalik si Tito Reon sa tinitirahan niya dati? Hindi ako sigurado kung ano man 'yon.

"Bakit ba tulala ka na naman d'yan?" tanong sa akin ni Sena na bahagyang nagpatalon sa akin.

"May naisip lang," nakangiwing sagot ko.

Simula kasi nang makabalik kami ni Mama sa Academy ay nag umpisa na akong makakita ng mga pangyayari sa hinaharap na hindi ko na naman mapagtagpi tagpi. Idagdag pang kakaiba ang atmosphere sa Academy at masyadong tahimik. Hindi ko alam kung nega lang ako o this is the calm before the storm? Aish!

"Tara magtraining!" yaya ni Ian sa amin.

Nagtanguan at nagsipayag naman sila Sena, Hira at Rei sa aya ni Ian. Kagaya nang pangkaraniwan ay sabay sabay na naman silang tumingin sa akin na animo nagtatanong kung bakit hindi pa ako sumasagot. Hays, old habits never die.

Nginitian ko muna sila bago ako nagsalita, "Pass muna ako. May gagawin kasi ako ngayon, e," tanggi ko sa kanila.

Nangunot naman ang noo nila ngunit tumango rin naman makalipas ang ilang segundo. Mabuti na rin at hindi na sila nagtanong pa at nagsialisan na patungong training room.

Dinampot ko ang bag ko at saka ako lumabas ng classroom. Sa totoo lang ay kinakailangan kong mapag isa kaya naman tinanggihan ko sila. Isa ito sa mga paraan para mas mabilis akong makapag isip at para mapagtanto ko kaagad ang mga bagay bagay. Hindi kasi magaganda ang mga nakikita ko nitong mga nakaraan bagama't pasilip lamang silang lahat. May pagsabog, pagbaha, lindol, maging pag ulan ng mga armas mula sa langit ay nakita ko rin. Lahat ng mga ito ay hahantong sa pagkawasak at kapag hindi ko ito kaagad napagtagpi tagpi ay maaaring mahuli na ang lahat.

Umupo ako sa ilalim ng isang puno. Hindi ko rin alam kung paano ako nakapunta rito dahil hindi ko naman alam na may ganito pala rito.

'Bakit kaya hindi ako naitour dito ni Rei dati?' tanong ko sa aking isipan.

Agad kong inilingan ang sarili ko dahil nawawala na naman ako sa pokus. Hindi maganda kung mawawala ako sa pokus lalo na at may kinakailangan akong gawin.

Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang libro kong pinagguguhitan ko ng mga nakikita ko. Ito yung librong binili ko sa bookstore sa Seijo dati.

Marahan ko itong binuksan at nang makita ang mga nakaguhit ay unti unting bumalik sa ala ala ko ang mga nakita ko.

Nabalutan ng mga tinik ang isang tarangkahang bakal na hindi ko alam kung saan matatagpuan. Masyadong nakakatakot ang itsura ng mga vines na nakapalibot dito dahil sa tulis at talas ng mga tinik nito. Nagsisikislapan pa nga ang dulo nito na nakapagpadagdag sa nakatatakot na dating nito.

Inilipat ko sa susunod na pahina ang tinitignan ko at doon ako lubos na nahabag.

Maraming mga nakakulong sa iski mo kweba? Hindi ko gaanong maidescribe ang lugar dahil sa dilim ng silid ngunit makikita pa rin ang mga taong animo walang lakas at mga may kakaibang marka sa kanilang mga noo. Animo curse seal na sa mga palabas at manga ko lang nakikita.

Saglit ko pang tinitigan ang iginuhit ko. Binilang ang mga taong naroroon ngunit agad ding napagtanto na sa isang bahagi lamang nakatapat ang point of vision ko roon kaya naman hindi ko matitiyak kung sila lang ba talaga o kung mayro'n pang iba.

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon