CHAPTER 63

140 12 0
                                    

CHAPTER 63
Karito, the Twin Brother

*SWISH*

Napatakip ako kaagad sa aking mukha at saka mabilis na napapikit. Humangin ng malakas at sobrang dami nitong dalang alikabok at maliliit na bato. Kinusot kusot ko ang mga mata ko na hindi nakaligtas sa pagpasok ng alikabok at maliliit na bato.

Ilang segundo pa ang lumipas at tumigil na ang malalakas na hampas ng hangin. Parang nag iba ang ihip ng hangin. Anong nangyari? 

Maingat na tinanggal ko ang mga kamay ko sa pagkakaharang sa mukha ko at saka ko idinilat ang aking mga mata. Nasaan na ako? Hindi pamilyar sa akin ang lugar na napuntahan ko. Sigurado akong hindi ito ang Academy at nakatitiyak din akong ito ang unang beses na nakapunta ako rito. Kakaiba ang lugar na ito dahil napupuno ito ng mga glass at animo nakalutang ito sa space.

"You failed, Jikan."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa aking narinig. Narito si Mama? Sino ang kausap niya? 

"You're aware of your obligations, Jikan. How can you let someone messed up with time?" ani muli ng tinig ng isang lalaki. "You're wasting the sacrifices made by our clan, especially your very own mother."

"I-I didn't know that this will happen," sagot ni Mama. Tama nga ako, si Mama nga ang kausap ng hindi pamilyar na lalaki. "I-I made a big mistake, I'm sorry."

Nag umpisa akong maglakad muli patungo sa pinanggalingan ng boses ni Mama. Hindi rin nagtagal ay nakita ko na ang dalawang nag uusap. 

Umiling iling ang lalaki, "Hindi lang ikaw ang nagkamali, Jikan. Hindi mo pupwedeng akuin ang lahat lalo na at nasa tamang edad na ang mga anak mo at alam naman nila kung ano ang kapalit ng pagiging time master nila," anito. Napatitig pa akong maigi sa lalaki, kahawig nito si Mama. Mas defined lang ang facial features niya dahil lalaki siya.

Natigilan si Mama sa kanyang narinig. Ano bang nangyayari? Matagal kong kinilatis si Mama at ang lalaking kausap niya. Sino ba ang lalaking ito at ano ang role niya sa buhay namin?

"Wala silang pagkakamali, Karito. Ako ang nagkulang at nagkamali kaya mag-isa kong haharapin ang kaparusahan ng kapabayaan ko," madiing sambit ni Mama. "Mga bata pa ang anak ko, nag uumpisa pa lang silang mag enjoy sa buhay at hindi ko pupwedeng kunin 'yon sa kanila."

Pagak na napatawa ang lalaking kausap ni Mama na tinawag niyang 'Karito.' "Mga bata pa? How can you say that, Jikan? Walang edad ang gampanin natin at alam na alam mo 'yan," iiling-iling na anito. "Gano'n siguro talaga dahil napagbigyan ka noong maglaro."

Saglit na natigilan muli si Mama, "I'm sorry," ani Mama.

"Sorry? Bakit ka nagsosorry? Hindi mo naman kasalanan na babae ka at ako ang lalaki," ani ng lalaki. "Hindi mo rin naman kasalanan na ako ang isinakripisyo ng mga magulang mo, Jikan," sarkastikong dagdag nito.

"They are our parents, Karito. Hindi lamang ako ang anak nila," ani Mama. What the? They're siblings? Kaya ba napakalaki ng pagkakahawig nilang dalawa?

"But they didn't hesitate to get rid of me in order to keep you," ani ng lalaki. Biglang nawalan ng emosyon ang mga mata ng lalaki. 

"It's for the b-best, remember?" ani Mama. "Kaya ikaw ang pinili nilang mawalay sa kanila dahil 'yon ang pinakasolusyon para sa kalagayan mo. Naiintindihan mo naman ang mga magulang natin, 'di ba? Ginawa lang nila 'yon para mabuhay ka kahit na malayo sila sa'yo."

Tokushu Nōryoku Academy: School of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon